Magbabalik na ang Electronic Sports and Gaming Summit (ESGS) ngayong October 28-30 sa SMX Convention Center Manila, at maraming nakahanda na surpresa para sa mga gamers sa 3-day convention na ‘to.
Inihahatid ng Globe Gamer Grounds at Astra Arena, ang sariling esports stage ng ESGS, maraming aasahan ang mga fans sa jampacked 3-day event na ito.
Electronic Sports and Gaming Summit (ESGS) 2022, naghanda ng mga exciting events para sa mga fans
Isa sa mga pinaka-inaabangan na aspeto ng convention na ‘to ay ang kauna-unahang paglahok ng Riot Games sa Philippine convention scene. Magkakaroon sila ng sariling Riot Games booth kung saan may inihanda silang ESGS 2022 Riot Games Cosplay Competition. Mamangha sa mga astig na cosplayers na magpapakitang gilas ng kanilang talento sa pagganap bilang mga characters ng Valorant at Runeterra. Ang kampeon ay maguuwi ng hanggang Php 50,000 na premyo at iba pang rewards tulad ng mga gaming chairs.
Bilang isang primiyer gaming convention sa Southeast Asia, isa sa pinagyayabang ng ESGS ay ang kanilang paghatid ng pinakabagong gaming trends na tiyak na ika-aliw ng mga fans.
Syempre, hindi ito makukumpleto kung walang kolaborasiyon kasama ang mga mga malalaking sponsors sa gaming scene tulad ng ASUS Republic of Gamers, MSI, Viewsonic, Acer, at Predator na magbibigay ng mga surpresa tulad ng discounts at iba pa sa kanilang mga produkto.
Mga tournaments at Showmatches sa Astra Arena
Siyempre hindi kumpleto ang isang gaming convention kung walang tournaments at showmatches. Iilang mga inaabangan na showmatches ay magaganap sa Astra Arena stage kasama ang Tier One, Nexplay, Rumble Royale, Tencent at Garena.
Maliban diyan, magkakaroon din ng isang The International Watch Party kung saan maaliw ang mga Dota 2 fans sa kanilang pagpanood ng TI 11 Grand Finals.
Nagbabalik rin ang ESGS Fighting Game Arena (FGA) kasama ang REV Major, ang pinakamalaking fighting game event ng bansa. Panoorin ang mga exciting na fighting tournaments sa mga paborito mong titulo tulad ng Tekken 7, Super Smash Bros. Ultimate, Dragon Ball FighterZ, Guilty Gear XRD Ver. 2, at Persona 4A.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa ESGS.