Ang Nimo TV ang isa sa pinakamalaking streaming platforms sa Indonesia. Sila ang pangunahing pinanggagalingan ng mga streams para mapanood ng esports at gaming fans ang kanilang mga idolo sa iba’t-ibang genre.

Napakalaki na ng viewership ng Nimo sa Indonesia lalo na pagdating sa mga larong Mobile Legends: Bang Bang at PUBG Mobile. Halos lahat ng sikat na esports professional players ay nagla-live stream sa kanila.

Stream ni ONIC SANZ sa Nimo TV
Credit: SANZ livestream sa Nimo TV

Bukod pa doon, nakikipag-partner din ang Nimo sa mga malalaking liga sa MLBB at PUBGM tulad ng MPL Indonesia at PMPL para makaakit ng mas marami pang spectators.

Sa kabila nito, naglabas ng nakakagulat na anunsyo ang Nimo kung saan sinabi nilang opisyal na nilang ititigil ang kanilang operasyon sa pagtatapos ng buwan ng Abril.


Naglabas ang Nimo TV ng dissolution announcement

Noong Huwebes, ika-14 ng Abril, nag-anunsyo ang Nimo sa kanilang Instagram account na hindi na sila makakapagpatuloy bilang isang streaming platform.

“Untuk seluruh Nimozen yang kami cintai, terima kasih sudah sangat setia dan selalu mendukung Nimo TV. Lebih dari 3 tahun kebersamaan ini pastinya bukanlah waktu yang singkat. Tetapi seperti kata pepatah, tidak ada yang abadi,” pahayag nito.

(Sa lahat ng minamahal naming Nimozen, maraming salamat sa pagiging tapat at pagsuporta sa Nimo TV. Mahaba rin ang mahigit tatlong taon na pagsasama natin. Ngunit ayon nga sa kasabihan, walang nagtatagal nang magpakailanman.)

“Dengan berat hati, kami harus menginformasikan bahwa Nimo TV Indonesia – Game akan berhenti beroperasi di Indonesia per akhir bulan April 2022.”

(Mabigat sa kalooban naming ipinapaalam sa inyo na ang Nimo TV Indonesia – Game ay hihinto na ng operasyon sa Indonesia sa pagtatapos ng Abril 2022.)

“Perjalanan menyenangkan bersama Nimozen tidak akan pernah terlipakan. Biarlah kenangan manis ini dpat dikenang dan menghangatkan kita jika rindu datang. Semoga seluruh Nimozen dapat mengejar mimpinya dan menjadi streamer terbaik suatu saat nanti.”

(Mami-miss namin ang masayang paglalakbay kasama ang mga Nimozen. Alalahanin natin ang mga matatamis na alaala kapag tayo ay nalulungkot. Nawa’y lahat ng Nimozen ay patuloy na abutin ang kanilang pangarap at maging pinakamagaling na streamer balang araw.)