Nasaksihan ng mga nakatutok na Pokémon trainers sa week four ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Southeast Asia division ay ang mga pinakanakakatuwang games, partikular na ang matagumpay na tournament debut ni Greedent.
Hanggang ngayon, hindi pa napipili si Greedent sa alinman sa mga regional leagues, kung saan ang mga teams ay mas pinipili ang mga classic Defender Pokémon gaya nina Snorlax, Slowbro, at Mammoswine.
Ang kapangyarihan ni Greedent ay nasa kakaiba nitong playstyle
Hindi tulad ng mga nabanggit na Defender type Pokémon, may kakayahan si Greedent na makalusot sa mga backline ng kalabang koponan at patumbahin ang mga squishy Attackers. Ito ay isang hindi pangkaraniwang playstyle para sa isang Defender type na Pokémon dahil ang mga ito ay karaniwang nakikita na namamahala sa frontline ng kanilang mga teams.
Higit pa rito, ang Pokémon na ito ay namumukod-tangi sa iba pang mga backline infiltrator tulad ng Sableye at Scyther, salamat sa natural na bulk at self-sustainability nito. Kapag na-draft nang tama, ang Pokémon na ito ay isang magiging isang sagabal na mahirap tapatan. Nangangailangan ito ng maraming koordinasyon ng koponan at ilang partikular na pamantayan tulad ng sapat na mga stun at sapat na burst damage sa upang maitumba ang isang mahusay na Greedent.
Dahil matagal nang wala sa Pokémon UNITE meta, maraming mga teams ang huminto sa pag-draft ng mga lineup sa pag-asam ng isang potensyal na Greedent pick. At dahil dito, naitakda ang muli nitong pagbabalik sa scene sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Southeast Asia division.
Team MYS at Renaissance pinatunayan na viable Pokémon pa rin si Greedent
Opisyal na pinasimulan ng Team MYS ang paggamit ng Defender Pokémon na ‘to sa kanilang series laban sa ESCAPE V, na nag-draft ng Pokémon na ito para sa games two at three.
Sa mahusay na paggamit ni NightmewFoxy, mabilis na napaalalahanan ang mga fans kung gaano kagulo ang Pokémon na ito kung hindi mababantayan nang maayos. Kahit na may ilang full rotations ang koponan, mahusay silang sinagot ni NightmewFoxy sa parehong games habang nagbibigay ng magandang damage gamit ang Bullet Seed.
Naging maliwanag sa games one at two na ang ESCAPE V ay hindi handa sa pagharap sa nakakainis na Greedent pick.
Hindi pa doon nagatatapos ang panggugulo ni Greedent. Pati ang Renaissance mismo ay nag-draft ng Pokémon sa game two sa kanilang series laban sa Rise sa parehong araw.
Sa kamay ni Kamiru, ang tibay at kakayahan sa pag-zone ng Greedent ay nasaksihan sa maraming team fights. Katulad ng ESCAPE V, nagkagulo rin ang Rise kapag sinusubukang tapatan si Kamiru sa kanilang laban.
Parehong nanalo ang MYS at Renaissance sa kanilang series salamat sa hindi gaanong ginagamit na Pokémon na ‘to. Matapos ang tagumpay nito sa Southeast Asia division, makikita pa kaya natin ang Pokémon na ‘to sa mga darating na panahon sa East Asia o India?
Panoorin ang mga games nang live sa YouTube, Facebook, o Twitch stream ng ONE Esports.