Sino nga ba ang pinakamalakas na hero ng MLBB 2022? Sa katunayan, maraming heroes ang pwede mong gamitin. Ngunit ang MLBB ay isang laro na umaasa sa kooperasyon ng limang tao. Ngunit syempre, mayroong mga heroes na OP talaga ngayong taon.
Umabot na sa 130 ang mga heroes sa MLBB. Mas marami ng pagpipilian ngayon ng mga players para ma-maximize nila ang kanilang rankings para umangat sa pinakamataas na level. Ngunit ang Moonton bilang isang developer ay nagsasagawa ng mga buffs at nerfs para mabalanse ang lakas ng mga heroes.
Hindi maitatanggi na palaging magiiba ang meta. Madalas nagiiba ang mga tier-s heroes kung titignan mo ang competitive scene. Ngunit naniniwala ang ONE Esports na mayroong mga pinakamalakas na MLBB 2022 hero na maaring makatulong sa iyong winning percentage.
Ang mga heroes na ito ay sadyang malakas na dahil sa kanilang skillset. Sila ang madalas na ginagamit sa competitive scene sa lahat ng mga meta.
Pinakamalakas na heroes sa MLBB 2022
Sino nga ba ang mga pinakamalakas na heroes sa MLBB 2022 na makakapag-paangat sa’yo sa Mythic rank nang mabilis?
Valentina
Isa sa pinaka-’unlawful’ na heroes ng MLBB. Siya ay isang hero na madalas banned sa top tier, ranked, at syempre, sa competitive. Ang mga katangian ni Valentina ay kumpleto at nakakainis. Mayroon siyang burst damage, dash, at kaya niyang kunin ang ultimate ng kalaban.
Kapag ginagamit si Valentina, talagang tataas ang potensyal na manalo sa rankings. Isa rin siyang flexible hero na iibang mga roles, at hindi kailangan ito ay isang bilang midlaner.
Esmeralda
Isa siya sa pinaka-mainam na hero pagdating sa durability at mobility. Madalas siyang nasa competitive S tier, lalong-lalo na sa competitive scene.
Si Esmeralda ay isang hero na kayang-kaya sumabak lalo na kung ready na ang kaniyang mga item. Makunat siya, mas makunat pa sa isang tanker. Mabilis rin siya mag-regenerate at makadulot ng damage, at dahil diyan isang garantisadong panalo ang laro niyo dahil kay Esmeralda.
Wanwan
Siya ay isang hero marksman na sikat na simula pa nang nilabas siya. Ang paggamit kay Wanwan ay medyo nakakalito, ngunit sigurado ka sa kaniya sa mid at late games.
Matindi ang damage ni Wanwan, at kaya niyang pumatay ng kalaban pag may ultimate na siya. Sya rin ay isang heroes sa kasalukuyang MLBB heroes na madaling makakuha ng Maniac at Savage. Kailangan mong ma-master si Wanwan kung gusto mong maging Mythic kaagad.