Madalas ihambing sa kabataan ang video games at kadalasan ay nalilimutan nating naging parte na ito ng ating kasaysayan noong mga nakalipas na ilang dekada.

Sa ikalimang episode ng Gamer’s Paradise, tampok ang pagbabalik-tanaw sa mga retro video games na humubog sa buong henerasyon ng gamers. Kasama bilang guests ang mga content creator na sina Aya Ezmaria at Umehara Keiji sa The Pulse segment.

Si Gian Lois “Gloco” Concepcion naman ang bida sa Hero Story, kung saan ibinahagi niya kung paano siya naging isang fishing enthusiast mula sa pagiging nursing student at isa sa mga pioneer ng streaming sa Pilipinas.


Tamang throwback ang trip ng Gamer’s Paradise Episode 5



Sa The Pulse, ikinasa ni Aya ang kanyang boto kay Lara Croft, ang bida sa Tomb Raider, nang walang pagaalinlangan. Pero hindi sumang-ayon si Keiji, hindi pa raw naaabot ng British archaeologist ang standard para maging isang video game icon.

Nararapat daw ang titulo kay Pikachu, isa sa mga pinakasikat na Pokémon sa franchise. Cute at madali raw makilala ang karakter, taliwas sa makantong bersyon ni Lara Croft noong una itong lumabas noong 1990s.

Paglipat sa Hero Story, ikinwento naman ni Gloco ang kanyang istorya. Pagka-graduate sa nursing school, nagpahinga muna ng isang taon ang 24-taong-gulang na content creator para mag-soul searching at magdesisyon kung ano nga ba ang nais niyang gawin.

Gamer's Paradise Episode 5 recap: Sino ang pinaka-iconic na retro video game character?
Credit: Gamer’s Paradise

Nauubos ang oras niya noon sa kaka-stream at kakagawa ng mga “Let’s Play” videos na may sarili niyang komentaryo. Gayunpaman, kinailangan pa rin niyang sustentuhan ang kanyang sarili kaya’t kumuha muna siya ng trabaho bilang isang English teacher para sa mga Japanese student.

Pumutok ang streaming career ni Gloco noong panahon na ‘yon, kaya’t nagawa niya itong gawin bilang isang full-time career. “I saw results and it was enough to keep me going for another year,” aniya. “And the year after that, it just kept growing and growing, and here I am.”

Para tapusin ang episode, sinamahan ni Gloco sina Aya at Keiji sa House Party, kung saan naglaro sila ng Pictionary kung saan tampok ang mga retro video game characters.

Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng FacebookTwitchYouTube, at AfreecaTV.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.