Kilalanin ang inyong mga paboritong esports players at personalities nang mas maigi sa pamamagitan ng mga eksklusibong content na matatagpuan sa ONE Esports app para sa Samsung.
Matatagpuan niyo sa app na ‘to ang mga panayam sa mga manlalaro, malalim na game guides at video features saklaw ang Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2, Valorant, Tekken at iba pang esports titles.
Sundan ang inyong mga iniidolong manlalaro at koponan sa kanilang misyon na gumawa ng kasaysayan sa pinakamataas na antas ng kompetisyon. I-level up niyo na rin ang sarili niyong laro sa pamamagitan ng mga detalyadong analysis ng malulupit na plays at mga game guides.
Kailangan mo bang malaman kung ano ang epekto ng pinakabagong patch o kung paano nagbabago ang meta? Sagot ka namin!
Detalyadong guides, mga eksklusibong panayam, at videos—una ang mga ‘yan sa Samsung sa pamamagitan ng ONE Esports app
Mapunta sa behind the scenes na mga pangyayari tampok ang mga pinakakilalang manlalaro. Kamusta ang kampanya ng Blacklist International patungo sa kanilang layunin na madepensahan ang titulo sa M4 World Championship? Sino ang nagsilbing inspirasyon kay RSG PH star Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto para maging mas magaling na jungler?
Maglakbay kasama ang mga nabubuhay na alamat sa esports habang itinatayo ang mga dinastiya at nabubuo ang mga maiinit na tunggalian sa pagitan ng magkakaribal, lahat nang yan sa inyong Samsung smartphone. Ibibigay namin sa inyo ang mga pinakabagong balita at player features, at ipapakita sa inyo kung paano gayahin ang plays at item builds na ginagawa ng mga pro.
Magkaroon ng access sa mga eksklusibong istorya, video premieres at marami pang iba sa ONE Esports app para sa Samsung.
Silipin ang mga pinakabagong balita, game updates at iba pa na ihahatid direkta sa inyong Samsung smartphone
Gamit ang notifications na diretso sa inyong Samsung smartphones, alamin ang mga pinakabagong blockbuster roster moves o kaya mga patch notes.
Nais mo bang malaman kung anu-anong mga koponan ang nakapasok sa The International 11? O kung sino ang mananaig sa Last Chance Qualifier patungo sa pinakamalaking Dota 2 world championship sa kasaysayan? Makukuha mo ‘yan sa ONE Esports app sa inyong Samsung smartphones kapag lumabas ang balita.
Hahayaan ka ng granular settings na pillin kung anong mga laro o paksa ang gusto mong ma-notify ka upang matanggap ang mga balita na nais mo lang mabasa. ‘Di mo mami-miss ang mga istorya sa ONE Esports app para sa Samsung.
Kumonsumo ng mga orihinal na content patungkol sa inyong mga paboritong koponan at manlalaro sa limang linggwahe
Magbasa ng mga kathang tinatampok ang iyong mga paboritong koponan at manlalaro gamit ang sarili niyong lenggwahe. Dala ng opisyal na ONE Esports app para sa Samsung mga kwento ng esports legends sa Filipino, Ingles, Bahasa Indonesia, Thai at Vietnamese.
Piliin lang ang nais niyong lenggwahe mula sa pop-up menu sa pinakataas sa kanan ng interface.
Alamin kung paano nga ba ipinapakita ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa MPL Indonesia Season 10 ang lakas ng Pinas pagdating sa MLBB at matuto na rin kung paano pinagana ni Blacklist International jungler Danerie James “Wise” Del Rosario ang tank Benedetta.
Available na ang ONE Esports app sa Samsung Galaxy Store at Google Play Store
I-download na ang ONE Esports app para sa Samsung sa Samsung Galaxy Store o kaya sa Google Play Store. Available na ito sa Pilipinas, Singapore, Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam.