Naiulat na nag-eeskperimento ang Riot Games sa bagong cascading agent select feature ng Valorant, ayon sa prominenteng leaker at dataminer na si ValorLeaks.

Hindi ito ang unang beses na narinig ang tungkol sa system na ito. Noong January, ang Valorant designer na si Jon Walker ay nagsalita tungkol sa cascading pick system sa isang developer live stream at kung paanong nakadisenyo ito para maiwasan ang mga sitwasyon kung saan ang mga players ay nag-i-instalock ng agent.

Sa huling version ng system, kailangang maghintay ng mga players ng kanilang turn upang mamili ng agent na gusto nilang gamitin, gaya ng champion selection sa League of Legends ranked games, na nangangahulugang may tsansa na hindi nila mapili ang kanilang main.

Paano gagana ang cascading agent select system sa Valorant

Valorant Cascading Agent Select Leak
Credit: Riot Games

Sa kasalukuyang version ng system ay may 10 segundo ang bawat player na pumilii ng agent, kung saan ang mga players ay pipili sa kanilang pagkakasunod-sunod sa screen.

Ang mga players ay pwede ring pumili ng pangalawang agent na gusto nila, na makikita bilang isang maliit na icon sa bottom right corner ng kanilang main agent portrait.

Kpag hindi sila pumili, ang susunod na player ibibigay ang turn, habang ang original player ay mailalagay sa dulo ng pila.

Ngunit tila hindi gusto ng mga pro players at fans ang Sistema ng cascading agent select. Marami ang nag-aalala na maaaring madagdagan ang bilang ng mga dodged games at toxicity, lalo na kapag hindi nakuha ng mga players ang agent na gusto nila.

“Feel like this will make team comps in ranked even worse than before,” tweet mula sa in-game leader ng Cloud9 na si Anthony “vanity” Malaspina.

Halimbawa, mapipilitan ang mga players na kaya lang gumamit ng isang agent na mapunta sa role na hindi sila sanay. Kapag hindi nakapag-perform nang maayos ang player, magiging hindi maganda ang experience para sa mga kasama niya.

Sa sistemang ito ay mapipilitan din ang mga players na pumili ng agent base sa kung anong kailangan ng team sa halip na piliin ang agent na gusto nilang gamitin, na mahirap lalo na sa mga lower ranks.

Nagpapadala ang Riot ng mga surveys sa mga players upang makakuha ng feedback tungkol sa kasalukuyang katayuan ng system. Dahil nga dito, ang feature na ito ay itinuturing pa rin na work-in-progress at maaari pang magbago kung sakali mang ma-release ito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.