Ang Electronic Sports and Gaming Summit (ESGS) ang isa sa pinakamalaking gaming convention sa Southeast Asia. Kaya siyempre, hindi mawawala dito ang mga oportunidad para makita mo ang mga paborito mong pro players at streamers sa 3-day gaming summit na ito.
Sino nga ba ang mga dadalo sa ESGS 2022?
Mga gaming personalities at guests na dadalo sa ESGS 2022, kilalanin
Magkakaroon ng iilang meet and greet events ang mga paboritong pro players at streamers ng Pinoy gaming scene sa ESGS 2022. Mula sa mga hosts patungong streamers, casters, talents, content creators, cosplayers, tiyak na matutuwa ka sa oportunidad para makausap ang mga idolo mo sa laro.
Maghahatid ang Riot Games ng mga kilalang personalities sa industriya tulad nina Myrtle Sarrosa, Charess, Aryana, at Kitz Cua, ang boses sa likod ni Neon na si Vanille Velasquez, at mga sikat na gaming at esports hosts tulad nina Alyza Taylor, Lykable, Asurai, Vill, at Blackenblue.
Bibisita rin ang mga kampeon ng MPL Season 10, ang mga players ng Blacklist International players kasama na ang mga AMPLFY creators at influencers tulad nina Tryke Guiterrez, Ashley Gosiengfiao, PindaPanda, Rojean, Seyrah, Elie Gaming at isa pang surprise guest.
Magdadala rin ang Nexplay ng iilan sa kanilang mga influencers at content creators tulad nina Renejay, H2Wo, Microphobia, Toriyama at iba pa.
Kaya ano pa ba ang hinihintay mo? May oras pa bumili ng ticket sa ESGS 2022!
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa ESGS 2022.