Nagdagsaan ang mga gamers, talents, streamers, vloggers, at mga fans sa SM Mall of Asia Music Hall para sa pinakaaabangang pagbabalik ng Pinoy Gaming Festival 2022 (PGF 2022) nitong nakaraang weekend, August 20 at 21.

Sa muling pagpasok ng mga in-ground events, hatid ng PGF ang natatanging pagdiriwang para sa gamers. May iba’t ibang mga booths, merchandise, at gaming areas ang naghihintay para sa mga dadalo sa libreng event na ito.

Anong mga nangyari sa PGF 2022?

PGF 2022 Birds Eye View
Credit: Ron Muyot/ONE Esports

Kung games ang pag-uusapan, nariyan ang mga sikat na fighting games na Tekken 7 at Guilty Gear Strive kung saan naglaban-laban ang ilan sa mga pinakamahuhusay na players. Nagharap-harap sila sa mga tournaments ng Road to REV Major hatid ng SM Cyberzone at GG Truck.

Kung usapang open world RPG naman, merong free play booth ang Tower of Fantasy kung saan pwedeng subukan ng mga gamers ang bagong laro at magkaroon ng pagkakataong manalo ng freebies.

Bukas din ang Predator at Rumble Royale booth para sa mga gustong makitambay kasama ang mga paborito nilang streamers at content creators. Dito ay pwede kayong makigulo at makisali sa mga games kung saan pwedeng manalo ng mga astig na premyo mula sa Realme at iba pang mga brands.

Maaari rin kayong dumalaw sa mga booths ng Tencent, JBL, at Acer, para masubukan ang iba’t ibang gadgets at games na tampok nila at makakuha ng mga freebies at merch.

Toys at collectibles ba? Nasa PGF 2022 rin ang mga kaibigan natin mula sa Anbaks para magbigay ng special rates at discounts sa mga toy collectors at enthusiasts.

PGF 2022 Anbaks
Credit: Anbaks

Para naman sa mga hindi nakapunta sa MOA, nagkaroon pa rin sila ng pagkakataong manalo ng mga prizes. Ang mga miyembro ng “Team Bahay” ay kinailangan lang manood ng stream sa opisyal na Facebook page ng PGF para makakuha ng mga freebies at iba’t ibang merch.

Sobrang saya ng weekend na to at talaga namang sulit ang pagpunta sa PGF 2022.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.