Tampok sa ikalawang episode ng Gamer’s Paradise ang pinakamainit na karibalan sa mundo ng Mobile Legends: Bang Bang.

Sino nga ba ang mananalo kung maghaharap sa isang malupitang showdown ang all-star dream team ng Indonesia kontra sa Pilipinas?

Nagbalik sa ThePulse ang MLBB Professional League Philippines (MPL PH) caster na si Dan “Leo” Cubangay para buuin ang kanyang championship-winning roster na ihaharap niya sa pambato ng MPL Indonesia analysty na si Brydon “Arashi” Maslimta.

Pinagbidahan din nina Kiel “OHEB” Soriano at Edward “EDWARD” Dapadap ng Blacklist International ang Hero Story segment ng episode, kung saan ibinihagi kung paano nagsimula ang kani-kanilang esports careers.

Usapang Indonesia versus Philippines pinagbaga ang Gamer’s Paradise Episode 2



Nauna si Arashi na asembolin ang kanyang roster na binubuo ng mga miyembro mula sa Aura Fire, RRQ Hoshi, at ONIC Esports:

  • Regi “Fluffy” Marviola (EXP laner)
  • Albert “Alberttt” Neilsen Iskandar (Jungle)
  • Adriand “Drian” Larsen Wong (Mid laner)
  • Calvin “Vynnn” (Roamer)
  • Calvin “CW” Winata (Gold laner)

Samantala, nag-all-in naman si Leo sa mga manlalaro ng Blacklist International:

  • Edward “EDWARD” Dapadap (EXP laner)
  • Danerie James “Wise” Del Rosario (Jungle)
  • Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna (Mid laner)
  • Salic “Hadji” Imam (Roamer)
  • Kiel “OHEB” Soriano (Gold laner)

Hindi naman ipinagkaila ni Arashi na mas magaling gumawa ng stratehiya ang Pilipinas, pero aniya, mas lamang n aman ang Indonesia pagdating sa execution.

“Once they adapt to new strats, they’ve got it in the bag,” paliwanag niya.

Syempre, hindi ito tinanggap ni Leo. “Blacklist International wasn’t playing in the recent season. They weren’t complete,” aniya, patungkol sa pagpapahinga nina OhMyV33nus at Wise noong ikasiyam na season ng MPL PH.

“If you watched MLBB for the better part of 2021, Blacklist owned the world,” dagdag ni Leo. “The Philippines owned the world of MLBB esports.”

Sapat na raw ang mga napagtagumpayan ng Pinoy team para tuldukan ang usapan, kaya’t aniya’y walang panama ang dream team ni Arashi sa Blacklist International.

Gamer's Paradise Episode 2 recap: Ang dream team na tatapos sa ID versus PH rivalry
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ibinihagi naman nina OHEB at EDWARD, dalawa sa mga manlalarong nasa listahan ni Leo, ang kanilang kwento sa Hero Story, na nagbigay ng spotlight sa kung paano sila napunta sa kung nasaan sila ngayon.

Wala raw dapat sa balak ni EDWARD ang maging professional player. “When I was still in school, I got a message from a pro team’s captain,” kwento niya. “They recognized my potential because I would always play in mini-tournaments.”

Ang noo’y 15-taong-gulang na bata na ang pinakamahusay na manlalaro sa mga palakasang iyon, kaya naman inalok siyang paigtingin pa ang kanyang pagsasanay sa isang bootcamp sa Manila.

Gamer naman na simula pagkabata si OHEB. Anim na taong gulang pa lang daw ay naglalaro na siya ng mga PC games, bago ma-introduce sa MLBB.

“At first, I was just having fun with my friends, until I became more competitive,” kwento niya. “And then I saw myself getting better at playing. I kept on grinding until I became part of an amateur team.”

Pinagpatuloy ni OHEB ang paglalaro hanggang sa mapabilang sa leaderboard at ma-scout ng Blacklist International.

Hindi biro ang pinagsikapan ng duo para hiranging kampeon noong M3 World Championship. Nagsasanay sila ng walo hanggang sa 10 oras kada araw at nagpapahinga ng isang oras kada apat na laro.

Para sa mga nangangarap maging pro, ipinayo ni OHEB na kailangan ng mahabang pasensya. Magpatuloy lang daw sa paglalaro, aniya. Importante rin daw ang maging mapagkumbaba at umamin sa mga pagkakamali, ayon kay EDWARD, importante raw ang mga aspetong ito bilang parte ng isang koponan.

Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng FacebookTwitchYouTube, at AfreecaTV.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Gamer’s Paradise Episode 1 recap: Ano nga ba ang mga katangian ng magaling na roamer sa MLBB?