Isa ka bang fan ng professional League of Legends esports eksena?
Pwes, siguradong matutuwa ka sa bagong inilabas ng Evil Geniuses na esports statistics platform na tinawag nilang “Factor”. Bibigyan nito ng pagkakataon ang mga users na makita ang mga mabusising analysis ng mga major LoL esports leagues.
Ni-launch ng Evil Geniuses ang “Factor”
Ipinakikilala ng Evil Geniuses ang Factor, isang esports statistics website na nag-aanalyze ng raw data mula sa matches at tournaments sa League of Legends. Binuo ito ng bantog na esports label para ipakita sa mga fans ang malalalim na analyses tungkol sa propesyunal na eksena ng LoL.
Tampok sa preskong website ang major leagues tulad ng leagues LCS, LEC, at LCK, kasama na din ang Brazilian league CBLOL.
“Factor was originally created to be used by EG competitive teams only,” banggit ng Evil Geniuses Chief Innovation Officer na si Chris DeAppolonio. “By releasing it to the community, our hope is that Factor sparks further analytical discovery of what defines top talent across competitive League.”
Kalaunan ay nais ng developers ng website na bigyan ang mga users nito ng mas malalim na pagkaunawa tungkol sa ano ba ang kailangan para maging matagumpay sa Leage of Legends.
Nasa website na ito ang lahat ng kailangan ng LoL esports fan
Isa sa mga pinaka-natatanging kapabilidad ng esporst statistics platform na ito ay ang kakayahan nitong magbigay ng 2D mini-maps. Maipapakita rito ang time-stamped locations ng lahat ng player sa mapa.
Maaaring i-tweak ng mga users ang timeline para mapanood ang mas simpleng bersyon ng labanan at mapanood ng maigi ang mga galaw ng players at teams sa Summoner’s Rift.
Kumpleto din sa mga LoL esports schedules, player profiles at team analytics ang naturang website.
Kasalukuyang nasa taas ng LCS standings ang Evil Geniuses ayon sa POWR index ng hub. Ang POWR ay pinagsing pangalan para sa Performance Objectively Weighted and Rated na isang core stat na binuo ng organisasyon na binase sa 30 iba-ibang statistical categories.
Para mas madali maintidihan ng fans ang stats na binuo ng label, naglabas din ng esports glossary ang developers para sa mga users.
Bisitahin kamangha-manghang esports statistics website dito.