Maraming sikat na esports players ang ini-sponsor ng mgamalalaking brands, na tumutulong sa kanila sa kanilang mga byahe, equipment, at iba pang mahahalagang bagay sa kelangan ng isang pro player.
Gayunpaman, hindi ito ang kaso para sa Italian pro player na si Joshua “Ghirlanda” Bianchi, na nakapasok sa top 8 ng Tekken World Tour Global Finals 2022 (TWT Global Finals 2022).
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ghirlanda kung paano niya isinisiksik ang online Tekken training sa kanyang schedule. Sa kabila ng pagiging pamilyado na may dalawang full-time na trabaho, nagawa pa rin niyang manalo sa East Europe Regional Finals para kumatawan sa kanyang rehiyon sa world championship sa Amsterdam, Netherlands.
Ang kanyang TWT run ay hindi naging madali. Sa group stage, nakaharap niya ang mga Tekken god gaya ng reigning EVO champion na si Jae-Min “Knee” Bae mula sa Korea, ang reigning TWT champion na si Yuta “Chikurin” Take mula sa Japan, at ang nag-iisang pinag-isang EVO champion na si Arslan “Arslan Ash” Siddique mula sa Pakistan.
Kahit na inilagay siya sa hawla ng mga leon, nagawa pa rin ng 31-anyos na player na makaalis sa round robin group stage at mag-qualify sa final bracket matapos ang hindi kapani-paniwalang 2-0 na panalo laban kay Arslan Ash.
Ghirlanda tinalo si Arslan Ash sa TWT Global Finals 2022
Sa kanilang laban sa Group A, hinarap ng Katarina ni Ghirlanda ang Kunimitsu ni Arslan sa masikip na stage na Dragon’s Nest.
Gamit ang maliit na espasyo upang makalamang sa kalaban, nagtagumpay ang Italian representative na malampasan ang Pakistani champion sa pamamagitan ng mga counter attack at tamang pagpoposisyon sa wall.
Sa pamamagitan ng Greater Rhea (d/f+4) na kumonekta nang counter hit, nagawa niyang magsagawa ng combo sa unang game na may Double Slap (1,1) pressure malapit sa wall.
Gamit pa rin ang kanyang Kunimitsu, nagpasya si Arslan na dalhin ang laban sa isang mas malawak na stage at pinili niya ang Infinite Azure 2, ngunit hindi nito napigilan si Ghirlanda. Nabarahan ng mga sundot at counter hits ang karamihan sa opensa na ibinato ni Arslan kung kaya’t nahirapan siyang makakuha ng round.
Ipinanalo ng East European champion ang laban sa score na 2-0 upang umabante sa huling bracket, na siya namang tumapos sa kampanya ni Arslan sa tournament.
Tinapos ni Ghirlanda ang kanyang TWT run sa ika-4 na puwesto pagkatapos niyang matalo kay Sang-hyun “Jeondding” Jeon, ngunit bago siya malaglag ay pinatalsik niya muna sa tournament sina Joseph “Joey Fury” Bennett at Daichi “Nobi” Nakayama.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.