Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
May mahabang panahon sa eksena ng Professional Mobile Legends na ang tawag sa mga tank ay “tank” o “support” at kung anu-ano pa. Kasama na rin dito ang ngayo’y tinatawag nang Mid Laner sa MLBB, ngunit bago pa gamitin ang mga mage sa role na ‘to, Tank at Support na may set ang kadalasang ginagamit.
Matapos ang ilang taon at mga patches sa Mobile Legends, ang laro na mismo ang nag-bansag sa terminolohiyang Mid Laner. Ngunit mula pa noong panahon ng MPL Season 6 (2nd Half ng 2020), usap-usapan na ang pag-gamit ng term na “Pos 4”. Saan nga ba ito nanggaling at gaano ito ka-importante sa trabahong kailangang punan ng Mid Laners?
Saan nanggaling ang Pos 4 na tawag sa Mid Laner sa MLBB
Bago pa man ang MPL Season 6 (Q3 ng 2020), usap-usapan sa pro scene ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng dalawang “supports” sa metagame. Bago ang mga panahong ito, ang usong meta ay ang pag-gamit ng dalawang tanks. Ngunit kahit dalawang tanks pa rin naman ang gamit bago ang Season 6, may pagkakaiba na sa ginagawa ang dalawang tanks na ‘to: isang damage dealer, at isang hard set tank.
- MLBB 101: Ano ba ang mga hero roles sa Mobile Legends?
- MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Ang pagdating talaga ng “true” supports ay noong dumating ang ONIC PH-SUNSPARKS rivalry sa MPL PH noong Season 4. Sa panahong ito, “mage” lang ang tawag sa role na ‘to, dahil puro mages din naman ang nagagamit.
Noong MPL Season 6, nauso na ang mage sa “support” role. Ngunit dahil ang mga tao ay hindi kumbinsido sa term na “support” sa role na to — lalo na dahil hindi rin naman hard-support ang mga hero na gamit dito, ang katotohanan pa’y puro mga heavy-damage dealers — kinailangang makaisip ng ibang tawag sa role na ito.
Sa kadahilanang marami din namang players ng Mobile Legends ang nakapaglaro ng Dota, pasok na pasok ang term na “Pos 4” sa role na ito. Ito’y hango sa pinaikling bersyon ng Position 4, ang ika-apat (sa lima) sa highest-priority pag dating sa farming. Mas uunahin pa ang Pos 3 na Offlaner kesa dito ngunit mas mataas pa ang priority sa Pos 5 na Hard Support sa mundo ng Dota; at kung papansinin ay ganito din ang diskarte sa Mobile Legends: mas mababa na prio sa Pos 3 na EXP Laner, at mas mataas naman sa Pos 5 na Roamer.
Roles (Lane-based) | Position depende sa Farm-Priority |
Gold Laner | Position 1 |
Jungler | Position 2 |
EXP Laner | Position 3 |
Mid Laner | Position 4 |
Roamer | Position 5 |
Sa teknikal na aspeto ng laro, support ang ginagawa ng role na ‘to, pero sa mata ng karamihan ito’y damage dealer. Kaya mas naging kumportable ang pro player at ang mga caster bandang MPL Season 6 na tawagin itong Pos 4.
RESULTA NG POLL
Anong role ang gusto niyong isunod sa aming guide?
POLL: Gaming
Sarado na ang Poll
Sakto namang na-update ng Mobile Legends Bang Bang mismo ang laro sa gitna ng MPL Season 6 at MPL Season 7 kung saan nagkaroon na ng EXP Lane, Gold Lane, at ng Mid Lane.
Ano nga ba ang trabaho ng Mid Laner sa laro?
Bilang isang Mid Laner sa MLBB, ang pinakaunang trabaho ng mga players sa role na ito ay ang tauhin ang Mid Lane. Sila ang magki-clear ng lane minions sa Mid Lane, at depende sa hero nilang gamit ay susuporta sa kanilang teammates: kung sakaling mabilis mag-clear ng minions sa mid ang Pos 4, madali itong makaka-ikot sa Gold Lane, EXP Lane, o kaya nama’y mag-invade sa Jungle ng kalaban. Naka-ikot sa kung gaano kabilis mag-control ng lane minions sa mid ang Pos 4 users at kung saan sila tutulong sa kanilang teammates.
Layunin din ng Mid Laner sa MLBB na umabot sa Level 4 (para magkaroon ng access sa Ultimate) pagdating ng 2 minutes. Sa normal na rotation, aabot at aabot ka naman sa Level 4 kung galing ka ng Mid Lane, at magiging kritikal ang iyong ultimate sa paparating na 2-minute Turtle Fight. Ito’y isang importanteng trabaho ng Mid Laner.
Pagkatapos ng unang Turtle Fight, ang kailangan nang gawin ng Mid Laner ay i-fast clear ang mid lane minions (para sa farm at sa levels). Sa pag-clear ng lanes, makakatulong ang Pos 4 na kontrolin ang daloy ng minions sa mapa upang makadepensa, at pati na rin makapag-farm.
Kahit pa pang-apat ang Pos 4 sa priority ng farming sa laro, hindi ibigsabihin na hindi na niya kailangan ng items. Dahil din naman sa mga heroes na kadalasang pinipili sa role na ‘to na Mages, madaling mag-clear ng lanes, at madali din makapag-farm. Dahil dito, magiging damage dealer ang Mid Laners sa Mid Game at pati na rin sa Late Game.
Sa mga late game teamfights, layunin ng Mid Laner sa MLBB na humanap ng tamang pwesto upang magamit ang kaniyang combo o kaya nama’y kaniyang ultimate upang ubusin ang buhay ng kalaban. Kadalasang naka-toka ang mga Pos 4 (tulad ng Pharsa, Yve, Valentina, Xavier) sa pag-konekta ng kanilang ultimates sa kalabang Gold Laners (tulad ng Pharsa kontra sa Beatrix) upang magkaroon ng advantage sa mga teamfights.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.