Opisyal na inanunsyo ng international esports organization na Team Liquid na si Claire Hungate ang kanilang bagong chief operating officer (COO) at kauna-unahang president.

Gagampanan ni Hungate ang kanyang tungkulin sa paghati ng kanyang oras sa pagitan ng London at sa kanilang European headquarters sa Utrecht, Netherlands.

President at COO Claire Hungate umaasang maipagpatuloy ang kasaysayan ng Team Liquid sa larangan ng esports

Bilang president at COO, si Hungate ang mangangasiwa sa profit and loss, pangkabuuang global business strategy, at operations ng Team Liquid. Pamumunuan nya rin ang mga plano para sa global expansion, acquisition, at mga bagong revenue streams.

Bukod pa sa business and commercial planning, si Hungate din ang mamamahala sa kasalukuyang diversity, equity, at inclusion efforts ng kumpanya.

“Liquid is a foundational player in esports and has grown into a global and multi-generational brand,” sabi ni Claire Hungate. “As the industry continues to grow, we have a real opportunity to help set the agenda for the future of esports both culturally and commercially. “

“Team Liquid have played a critical part in establishing esports history to date and I hope I can help them continue to make that mark.”

Ang mga nakaraang experiences ni Hungate ay tugma sa mga layunin ng Team Liquid

TeamLiquid Logo
Credit: Team Liquid

Si Hungate ay may 20 taong experience mula sa iba’t ibang kumpanya. Kabilang sa kanyang mga naging papel ay ang pagtaguyod at pagpapaunlad ng pag-monetize ng content-driven audience management.

Nagsilbi rin sya bialng CEO ng Warner Bros. TV Production UK mula 2014 hanggang 2017. Ang pinakahuli ay ang pagganap nya bilang independent director sa game publisher na Avalanche Studios Group, at chair ng The Nerve, isang production music library.

“From the moment we first met Claire, we’ve admired her knowledge, experience, and passion, as well as how closely they align with our business and cultural endeavors,” sabi ni Team Liquid founder at co-CEO na si Victor Goossens.

“She already embodies the Liquid Way and is the right fit to help us advance our priorities and drive the industry forward.”

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.