All-star ang showing ng DWG KIA sa Day 5 ng 2021 League of Legends Mid-Season Invitational (MSI).

Nakakuha ng back-to-back wins ang LCK Spring Champions laban sa MAD Lions at PSG Talon para masungkit ang top two spot sa paparating na MSI Knockout Stage.

Paano I-dismantle ang PSG Talon ayon kay Canyon ng DWG KIA 

Bagamat crowd favorites and DWIG KIA at ang Royal Never Give Up para manalo sa MSI 2021, nagpakita ng mas matinding form ang PSG Talon sa pangalawang round robin para matalo ang MAD Lions at RNG.

Papunta sa laro nila laban sa PSG Talon, alam ng junger ng DWG KIA na si Kim “Canyon” Geon-bu na hindi sila mananalo sa kanilang dating gameplay. Kinailangan umupo ng team at isipin kung paano nag-dodominate ang team base sa kanilang mga huling MSI matches.

“We figured out that their jungle and bot lane were super strong,” sabi ni Canyon. “We tried to stay aware of that while playing. We also wanted to match that level, and go even harder.”

Dahil as pagpili ni Canyon sa Rumble at top laner na si Kim “Khan” Dong-ha kay Gnar, ang topside duo ay nagwagi sa pag-pin down ng PSG sa mga dragon fights.

Paano nila hinarap ang complacency matapos manalo sa 2020 World Championship 

Kahit na sila ay isang 2020 World champion, ramdam ni Canyon na malayo pa ang kailangan niyang marating bilang isang League of Legends pro player. 

Bagamat ang pagpanalo ng Worlds ay isang ultimate goal para sa maraming pros, gusto pa rin panatiliin ng DAMWON KIA junger ang competitive presence sa mga tournaments tulad ng LCK at MSI.

“Right now, I just want to get more titles in my career,” sabi ni Canyon ng DWG KIA. “I have learned that it’s even harder to stack up your titles.” 

Credit: LoL Esports

Kahit na nahihirapan ang ibang mga kampeon sa expectations at ambitions matapos manalo ng ganoon kalaki, mas nag-fofocus ang DWG KIA player na ito sa kasalukuyang gawain niya.

Maging panaluhin ang Worlds, ang LCK playoffs, o regular na season matches, nakikita ni Canyon ito bilang isang oportunidad para mas magtrabaho pa nang maigi para mapatunayan ang halaga niya bilang isang player.


Under the wing’ ni Coach kkOma

Nang sumali sa DK si coach Kim “kkOma” Jeong-gyun nitong 2021, ang kaniyang magarang career sa SKT Telecom T1 ay nagbigay sa kaniya ng maraming storya at lessons para ma-udyok ang kaniyang kasalukuyang team sa MSI.

Ipinaliwanag ni Canyon ng DWG KIA kung paano iniba ng legendary coach ang kaniyang mindset.

“We learned that it’s really important to just hold on when you’re having a rough time,” sabi ni DWG KIA Canyon. “Even though things get hard and I run into something very difficult, I just try to stay awake and hang in there.”

Credit: Riot Games and LoL Esports

Bakit kakaiba si Canyon? 

Bilang isang parte ng squad na puno ng young superstars at isang beterano ng Worlds, ibinahagi ni Canyon kung ano ang tingin niya sa sarili niya at kung ano ang mai-aambag niya bilang isang indibidwal.

“I think I have a strong mental fortitude,” paliwanag ni DWG KIA Canyon. “I believe that team atmosphere is important, and I’m the one that always tries to think in a very good and positive way.” 

REYKJAVIK, ICELAND – MAY 14: XXX at the 2021 MSI annual League of Legends tournament on May 14, 2021 in Reykjavik, Iceland. (Photo by Colin Young-Wolff/Riot Games, Inc. via Getty Images)

K-recommendations mula kay DWG KIA Canyon 

Habang ni-rerekomenda ni Jang “Ghost” Yong-jun ang webtoon na “Tower of God” sa isang interview, inamin ni Canyon na siya ang nagpasimuno sa webtoon craze ng DAMWON.

Ang “Tower of God” pa din ang paboritong webtoon ni Canyon, at ito ay may tatlong volumes na.

Ni-rekomenda ni Canyon ng DWG KIA ang mas laid-back na K-indie sound ni CHEEZE para sa kaniyang international fans, iba sa mas contemporary anthems ni Sunni na ni-rekomenda ni Heo “ShowMaker” Su. 

Haharapin ng DG KIA ang Royal Never Up ngayong araw, 9 p.m. GMT+8. 

Panoorin ang aksyon sa opisyal na Riot Games Twitch channel.