Matapos hindi makapasok ng dalawang magkasunod na season ang franchise ng Bren Esports sa MPL Playoffs (S8 at S9), namamayagpag ang Bren Esports ngayong Season 10. May tyansang makadagit pa ng Top Seed ang Bren Esports.
Heto ang mga naging laban ng Bren Esports bago ang Week 8.
Week 7 Day 2: Bren Esports 2-1 RSG
Lumabas sa unang pagkakataon ang Bane sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) nang i-pick ito ng Bren Esports laban sa defending champion RSG PH sa napakaimportanteng Game 3 ng kanilang serye sa Week 7 Day 2.
Nakataya kasi sa naturang laro ang ginintuang tsansa ng koponan ng “The Hive” na makabalik sa playoffs matapos kapusing makatuntong dito sa dalawang nakalipas na season.
Pero ‘di gaya ng sumikat na jungle Bane noon, sinugal ng Bren ang Frozen King sa kamay ni beteranong captain-midlaner Angelo “Pheww” Arcangel na ginamitan ito ng magic type na item build. Sa-post match press conference, ibinahagi ng M2 world champion player ang dahilan sa pagkuha ng kakaibang Bane pick.
BASAHIN: Bakit nag-pick ng magic-type Bane ang Bren Esports sa crucial Game 3 kontra RSG PH? Heto ang dahilan
Bren Esports 2-1 Blacklist
Sa harap ng isa sa mga pinaka-kinatatakutang teams sa MPL Philippines Season 10, nanatiling matikas at disiplinado ang BREN Esports na kinalawit ang kanilang ika-anim na panalo sa gumugulong na regular season.
Mabibigyang-tibay ng koponan ang kanilang playoff bid karugtong ng pagpapadapa nila sa Blacklist International, 2-1, sa Day 2 ng Week 6 bakbakan.
Basahin: Kontra BLCK, ipinakita ng BREN kung bakit paboritong pick ang Paquito ngayon | ONE Esports Philippines
Week 6 Day 2: Bren 2-1 TNC
Kakaibang-lebel ng mechanics at decision-making ang ipinamalas ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno para tulungan ang kaniyang ECHO na iligpit ang matikas na Smart Omega sa inantabayanang matchup sa Week 6 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season.
Milagrosong plays sa Julian ang ipinamalas ng ECHO jungler sa opener para baliktarin ang laro para sa kanilang panig. Dito rin bumangko ang koponan para tuluyan ang mga katunggali sa loob lamang ng 11 minuto.
Week 5 Day 2: Bren 2-1 ONIC PH
Hindi bigo ang mga miron na tumutok sa dikdikan ng magkaribal na Blacklist International at Smart Omega sa Week 5 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season. Epiko ang tatlong larong kinatampukan ng dalawang bigating teams kung saan kalaunan ay nakalawit ng Omega ang inasam na paghihiganti mula sa Week 1 pagkagapi.
Pagkaraan ng serye, hinarap ni Coach Jaime “Pakba1ts” Abalos ang media kung saan idinetalye niya ang karanasan at kinailangang preparasyon ng OMG para makuha ang tagumpay sa madikit na serye. Kasama sa napasadahan ng beteranong coach ang nangyareng draft kaharap ang mahigpit na katunggali.
BASAHIN: Bakit nasabi ni OMG Coach Pakba1ts na ‘predicted’ nila ang draft ng Blacklist? Ito ang ebidensyas
Week 5 Day 1: Bren Esports 2-1 NXPE
Bumawi ang RSG PH laban sa karibal na Smart Omega sa pamamagitan din ng isang 2-0 sweep sa pagsisimula ng second half ng regular season sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Matatandaang winalis ng Season 9 runner-up ang defending champion sa kanilang unang MPL PH finals rematch ngayong season kaya naman gigil umano ang Raiders sa unang serye ng ikalimang linggo ng liga, ayon mismo sa kanilang jungler na si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto.
BASAHIN: Bakit gigil ang RSG PH kontra Omega sa unang serye ng Week 5? Ito ang paliwanag ni Demonkite
Bren Esports 2-1 OMG
Ipinakita ni rookie jungler Kyle “KyleTzy” Sayson na pwede siyang maging susunod na Lancelot star ng Bren Esports matapos ang kanilang 2-1 reverse sweep kontra Smart Omega sa unang serye sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Pagkatapos magsalitan nila Joshua “Ch4knu” Mangilog at Rowgien “Owgwen” Unigo ng magandang performance sa Franco, nailabas sa wakas ni KyleTzy ang kanyang signature assassin hero sa deciding Game 3 kung saan nagpamalas siya ng perpektong laro upang pangunahan ang dominanteng panalo ng kanyang koponan.
Tila nahanap na ng Bren Esports sa anyo ng 16-year-old pro ang kanilang bagong Lancelot star player sunod kay former jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na malaki ang ginampanan sa kanilang M2 World Championship run gamit ang naturang assassin.
Bren Esports 1-2 RSG
Hindi tumigil sa pagpaslang sa world champions ang ONIC PH dahil dinamay na rin nila ang makamandag na Smart Omega sa listahan ng mga koponang tinalo nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Nagtapos ang ikalawang linggo ng gumugulong na season na tabla sa walong puntos ang Blacklist International, Smart Omega, at ONIC PH. Pero matapos ang ikalawang araw ng ikatlong linggo ng regular season, nagawang talunin ng mga dilaw na hedgehgog ang mga kahati nila sa top seed para pangibabawan ang standings ng liga.
BASAHIN: Matapos ang BLCK, ganito natagpuan ng ONIC PH ang lunas sa lason ng OMG
Bren Esports 0-2 Blacklist International
Matinding late game synergy at decision-making ang muling ipinamalas ng Smart Omega para puguin ang Nexplay EVOS, 2-0 sa unang araw ng Week 3 ng MPL Philippines Season 10 Regular Season.
Hindi pinayagan ng S9 runner ups na makaisa ang koponan ni Mico “Micophobia” Quitlong na hinapo nila sa magkasunod na 19 minute at 38 minute games.
BASAHIN: Bakit late game kings ang Smart Omega? Sagot ang serye kontra NXPE
Bren Esports 0-2 ECHO
Lumipad ang Wanwan ni star gold laner Duane “Kelra” Pillas sa mabilis na 2-0 pangwawalis ng Smart Omega kontra TNC sa huling serye ng Week 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Malahalimaw na performance ang ipinakita ni “The Filipino Savage” gamit ang Agile Tiger matapos kumana ng perpektong kill-death-assist record sa dalawang laro ng serye. Dahil dito, natulungan niya ang Barangay Omega na makuha ang back-to-back wins sa linggo at umangat sa 3-1 series win-loss.
Tumabla rin ang OMG sa Blacklist International at ONIC PH sa tuktok hawak ang 8 puntos. Samantala, patuloy ang malalang losing streak ng Phoenix Army na lumagapak sa kanilang ikaapat na sunod na 0-2 defeat.
BASAHIN: Wanwan ni Kelra kumana ng perpektong 19/0/3 KDA sa serye kontra TNC
Bren Esports 2-0 TNC
Smart Omega ang maituturong salarin sa maagang pagkakatapos ng kampanya ng ECHO noong dalawang nakaraang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).
Kaya’t nang muling magharap ang dalawang koponan sa ikalawang linggo ng MPL PH Season 10, naglabas ng bagong variant ng lineup ang ECHO para sana simulan ang pagbawi sa makamandag na koponan nina Patrick “E2MAX” Caidic.
Muling tumapak sa entablado ng liga ang beteranong si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz bilang roamer. Inalalayan niya sina Jhonville “OUTPLAYED” Villar at Mark Justine “Zaida” Palma na bumida sa gold lane at jungle sa unang pagkakataon bilang mga miyembro ng tinaguriang Super Team.
BASAHIN: Smart Omega mas makamandag pa rin sa lineup na ‘to ng ECHO
Bren Esports 1-2 ONIC Philippines
Dalawang beses binaliktad ng Blacklist International ang kalamangang naitala ng Smart Omega sa best-of-three series na ginanap noong ikalawang araw ng unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Inetsa-puwera ng Agents ang pagbabalik ng binansagang ‘The King’ na si Kiel VJ “KielVJ” Hernandez na humalili sa midlane habang nasa bangko si Patrick “E2MAX” Caidic, maging ang debut ng rookie roamer na si Deomark “Mikko” Tabangay, na pinalitan muna si Joshua “Ch4knu” Mangilog.
BASAHIN: Back-to-back comeback tampok sa tagumpay ng Blacklist International kontra Smart Omega