Nasa meta si Superman sa ngayon, ito ay dahil sa malawakang pagpili sa kanya sa kabuuan ng Arena of Valor World Cup (AWC) 2021. Namayagpag ang mga pros tulad nina VGaming’s Nguyễn “BirdLB” Văn Hiếu and dtac Talon Esports’ Thana “NTNz” Somboonprom gamit ang DC superhero.
Pero paano nga ba gamitin si Superman sa normal o ranked Arena of Valor (AoV) games? Narito ang ilang tips, tricks, at ideal build para kay Superman.
AoV Superman runes
Para sa runes, piliin ang red rune na may physical attack/armor para mabigyan ng konting karagdagang damage si Superman sa early game, at ipares ito sa green rune para sa health, heal, at speed.
Samahan din ng blue rune, na amy max health, cooldown reduction o armor, at armor cooldown reduction para maitodo ang resistances ni Superman.
AoV Superman build
Mas magiging malakas si Superman kung dadagdagan ang lakas ng kanyang armor, para maging mas resistant sya laban sa mga atake.
Para sa isang tanky Superman build, kakailanganin mong bumili ng:
- Odin’s Will
- Gilded Greaves
- Gaia’s Standard
- Blade of Eternity
- Rock Shield
Ang mga susunod na parte ng iyong build ay nakadepende sa in-game situation. Halimbawa, kung masyadong malakas ang marksman ng kalaban, ideal na bumuo ka ng Mail of Pain.
Subalit kung sobrang lakas ng damage ng mga kalaban mo at wala kang armor, mabuting isama sa iyong Superman build ang Amulet of Longevity.
AoV Superman talents
Ang Purify at Sprint ay mga mabibisang talents para kay Superman.
Superman guide: Tips at tricks na kailangan mong malaman
Hindi tulad ng kanyang comic counterpart, hindi designed si AoV Superman para lumaban ng 1v1.
Pinakaepektibo sya pag ginagamit ng mga players ang kanyang mabilis na movement sa Flying state, lalo na sa mga team fights. Ang kanyang ultimate ay may knockback na kayang tumulak sa maraming kalaban at was akin sila sa isang kisap-mata.
Bilang Superman, kailangang hindi ka makita ng kalaban upang makapagbigay ka ng “invisible” lane pressure kung saan laging nagmamatyag ang mga kalaban sa iyong biglaang pag-atake.
Maari itong maging disadvantage para sa iyong team, o makapagbigay ng matinding lane pressure sa kalaban, lalo na kung ang magkabilang team ay sumusubok makabuo ng objectives sa late game.
Paano i-counter si AoV Superman
Paano nga ba kontrahin si Superman?
Kailangang hindi nya kayo makita. Hanggat maaari, pagbayarin nyo sya sa kawalan ng map awareness upang makakuha ng kalamangan laban sa kanyang mobility.
Malakas lamang si Superman kung kaya nyang makapasok sa likuran ng kalaban sa kanyang Flight mode. Makinig sa mga pro players – huwag susugurin nang harapan si Superman, dahil gagamitin nya lang ang kanyang mobility para kontrahin ang mga atake.
Narito ang ilang magagandang Superman plays mula sa Garena: