Kilala bilang isa sa mga walang awa at athletic competitor sa gaming history, naglalabas si Guy “Dr Disrespect” Beahm IV ng mga kanta paminsan-minsan para ipakita ang kaniyang creative side.

Sa kaniyang latest na music video “Gamerobics”, binigyan ni Doc ang kaniyang mga fans ng isa pang nostalgic experience matapos makita ang kaniyang persona sa isang aerobics center.

Punong-puno ng 80s references ang Gamerobics music video 

Puro 80s pop culture references ang music video na ito. Matapos dumating sa center sa loob ng isang cherry red Lamborghini Countach, nag-teleport si Doc sa isang aerobic class na parang isang T-800 terminator na may dala-dalang mabigat na boombox.

Dahil sa kaniyang malakas na presensya, biglang naging itim at pulang leotards at headbands ang aerobic class na ginaya ang mga 80s icons tulad ni Rambo at ang cast ng Karate kid.

Maliban sa mga pinpoint aesthetics, tiyak na isang earworm ang Gamerobics na perpektong nakuha ang tunog ng 80s. Umuugod ng synthesizers, pads, at electronic drums, ma-iimagine mo talaga ang sarili mo na bumabyahe sa lungsod na puno ng neon lights.

Tungkol saan ang Gamerobics ni Dr Disrespect? 

Kung ikaw ay na-distract sa mga lightning effects at bass lines, isa talagang mautak na advertisement ang Gamerobics para sa gamer-focused energy drink ng Mountain Dew na Game Fuel.

Ang pangbungad na lyric ng song ay ang opisyal na slogan ng Game Fuel, “Designed to give you an edge.” 

Binanggit din ng kanta ang resealable lid technology ng Game Fuel na pumipigil ng mga tapon sa isang pop-off.

Bilang isang kasosyo ng Game Fuel nang mahigit isang taon, pinakita ni Dr Disrespect na walang limitasyon ang pagiging creative mo sa mga endorsements mo.

Panoorin ang Gamerobics music video ni Dr Disrespect dito: