Matapos ang tatlong linggo ng Pokémon UNITE Asia Champions league 2023, Marcos Gaming na lang ang natitirang koponan na may win streak sa Indian division.

Noong unang linggo, tinalo nila ang True Rippers sa iskor na 2-1.

Noong nakaraan naman, winalis nila ang Gods Reign, 2-0.


Constant pressure at clutch Fairy Singularity ang sumelyo sa winstreak ng Marcos Gaming

Buhay pa rin ang winstreak ng Marcos Gaming sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Indian division
Credit: ©2021 Pokémon. ©1995–2021 Nintendo / Creatures Inc. / GAME FREAK inc. ©2021 Tencent.

Sa game one ng serye nila kontra Gods Reign noong nakaraang linggo, pang-team fight na lineup ang inilabas ng Marcos. Napagana nila ito lalo na sa mga bakbakan para sa Reieleki at mga Regis sa bottom.

Bigong makakuha ng objective ang Gods Reign kaya’t madali silang napag-iwanan sa levels. ‘Di rin nakaporma ang Talonflame ni OMEN na mangilang beses sumubok na magnakaw ng points.

Rayquaza na lang sana ang tanging pag-asa ng Gods Reign para maisalba ang laban pero may plano rin para doon ang Marcos Gaming. Nahuli kasi ng Unite Move na Fairy Singularity ng Gardevoir ni Volc ang mga miyembro ng kalaban dahilan para maselyo nila ang panalo.



Dodrio ni Volc bumida sa para mapanatili ang win streak ng Marcos Gaming

Buhay pa rin ang winstreak ng Marcos Gaming sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Indian division
Credit: ©2021 Pokémon. ©1995–2021 Nintendo / Creatures Inc. / GAME FREAK inc. ©2021 Tencent.

‘Di nagtapos sa unang game ang agresibong ipinamalas ng Marcos Gaming. Pagdako kasi sa ikalawang mapa, pangbalugbugang lineup nanaman ang tampok sa kanilang draft, na may Tyranitar para sa late game.

Banta sa buong mapa ang hatid ng Dodrio ni Volc at Glaceon ni Meruem dahil kayang-kaya nila maka-knockout ng kalabang Pokémon na mag-aasim sa team fight. Lalo na’t may Safeguard pa ang Blissey ni Kyurem, hirap talagang makapitas sa bakbakan ang Gods Reign.

Sa kabila nito, kinailangan pa rin ng Marcos Gaming na irespeto ang Urfishu ni Scepter. Nag-dive sila hanggang sa ma-pressure si Scepter sa kanyang second goal. Lingid sa kaalaman ng Gods Reign, pambiso lang pala ito para backup-an nila ang kanilang kakampi habang sineselyo ng Marcos Gaming ang Rayquaza.

Matapos umiskor ng 500 points kontra Gods Reign, tatlong puntos nanaman ang naselyo ng Marcos Gaming sa turneo—isang hakbang papalapit bilang first seed ng phase two.



Revenant Esports ang susunod na kakalabanin ng Marcos Gaming. Nakatakdang iraos ang kanilang paghaharap sa ika-29 ng Enero.

Mapapanood ang mga laro sa YouTubeFacebook, o Twitch streams ng ONE Esports.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MYS Rebongs sinabing mas malakas ang All-Rounders kaysa Speedsters ngayon sa Pokémon UNITE