Sinelyo ng T2 at Rise ang huling dalawang slots para sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 offline final matapos nilang pangibabawan ang top two ng kani-kanilang rehiyon.
Natapos na ang ikalawang phase ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 matapos ang dalawang linggo ng regional playoffs.
Nakuha ng T2 ang imbitasyon sa finals matapos nilang i-eliminate ang Secret Ship sa East Asia final, habang ginulat naman ng Rise ang Southeast Asia final nang ilaglag nila ang Renaissance at Team MYS.
- Revenant Esports pinataob ang Marcos Gaming, hari ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Indian Division
- Hi5, MYS kakatawan sa East at Southeast Asia sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 offline final
Nadepensahan ng T2 ang kanilang posisyon bilang second seed ng East Asia
Bilang second seed team sa East Asia playoffs, isang panalo lang sa isang serye ang kailangan ng T2 para makuha ang imbitasyon mula sa offline finals. Ang nagsilbing balakid para makamit ito ay ang Secret Ship, ang fifth seed team na in-eliminate ang Eternity at No Show.
Bagamat tulak-tulak ng momentum ang Secret Ship mula sa maganda nilang performance noong nakaraang linggo, ‘di pa rin matatawaran ang husay ng T2. Alam din nila kung paano sumandal sa makukunat na lineup ang kanilang kalaban, lalo na ang Blastoise, kaya’t sila na lang ang pumili nito.
Nakatulong ang stratehiyang ito para maselyo ng T2 ang serye, 2-1, at maka-abante sa finals.
Pinangibabawan ng Rise ang Southeast Asia playoffs
Bago pa magsimula ang laban, iilan lang ang naniniwalang kaya ng koponan mula sa Indonesia na makapalag kontra Renaissance, isa sa pinakabatak na Pokémon UNITE. Nang magsimula ang laban, agad nilang napatahimik ang mga nagdududa.
Sa serye, nagpatakbo sila ng draft na pinagbibidahan ng Glaceon at Delphox. Walang naisagot ang Renaissance dito lalo na’t napunta ang mga Pokémon sa kamay nina Eeyorr at AQX.
Matapos palusutin sa unang dalawang mapa, madaling winalis ng Rise ang higante ng rehiyon.
Hindi natapos doon ang kanilang pamamayagpag. Kahit kasi ang first seed ng Southeast Asia division na Team MYS ay nahirapan kontra Rise.
Napilitang i-respect ban ng MYS ang Delphox, kaya’t Venusaur na lang ang ginamit ni AXQ. Pero kahit walang Delphox, nagawa pa ring ipanalo ng Rise ang serye, sa iskor na 2-1, para patunayang may mapapala sa pagtitiyaga.
Ang anim na finalists na lalaban sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 offline final ay:
- T2
- Team MYS
- Rise
- Marcos Gaming
- Revenant Esports
Subaybayan ang finals live sa March 18 at 19 sa YouTube, Facebook, o Twitch streams ng ONE Esports.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.