Ibinuhos ng RRQ Hide ang lahat mula simula hanggang sa dulo ng Free Fire Master League (FFML) Season 5 Division 1, subalit hindi ito naging sapat para manatili sila sa mataas na dibisyon ng liga.
Sa simula ay nagdala ng maraming sorpresa ang koponan kaya naman nakuha nila ang atensyon ng maraming fans lalo na’t inabangan din ang presensya ni Kasiiih (dating miyembro ng FrontaL Gaming). Ngunit nang lumaon ay hindi sila nag-stand out bilang koponan na nirerepresenta ang sikat na organisasyon ng RRQ at hindi nakasabay sa mahigpit na kompetisyon.
Pero para sa mga manlalaro ng RRQ Hide at sa kanilang bagong coach na si TomoMKS, binigay nila ang lahat ng kanilang makakaya. Hindi nga lang nila inasahan na ganoon ang magiging resulta.
Inamin ng RRQ Hide na kulang ang preparasyon nila para sa FFML S5
Nakapanayam ng ONE Esports ang RRQ Hide sa backstage sa huling araw ng FFML Season 5 Division 1 noong Linggo, ika-13 ng Marso, at ipinaliwanag nila ang iba’t-ibang problema na kinaharap nila.
Inilahad ni RRQ KasiiiH na isa sa mga kakulangan nila ngayong season ay kapos sila sa preparasyon dahil nagipit sila sa oras.
“Sebenarnya kami lebih ke arah kurang matang dari segi persiapan aja sih bang, karena saat itu juga udah dekat waktu FFML S5 Divisi 1 jadi memang benar-benar kurang dari situ aja, untuk taktik, juga analisis dan lainnya (Sa totoo lang, kulang kami sa preparasyon para sa FFML S5 Division 1 pagdating sa tactics, analysis at iba pa),” wika niya.
Sinabi rin ni KasiiiH na kung mayroon silang maraming panahon, nakagpakita sana sila ng mas magandang performance.
“Kalau dibilang misalnya kita bisa matangkan lagi persiapan ya, pasti kita ga akan memberikan penampilan yang buruk seperti ini sih bang. Tapi dari saya sangat salut buat temen-temen yang masih mau berjuang sampai hari ini, itu udah cukup. Kami belajar banyak lah dari sini (Kung mas mahaba sana ang preparasyon namin, ‘di ganito ang performance namin. Pero saludo pa rin ako sa mga kakampi ko na lumalaban. Marami kaming natutunan dito),” dagdag niya.
Pareho kay KasiiiH ang naging sentimiyento ni RRQ Marisa.
“Iya (yang dikatakan KasiiH) memang benar, kami kurang matang di persiapan namun selain itu juga kendala kami ada di faktor teknis, kadang device mengalami bug, jaringan yang kurang bagus juga menjadi faktor yang membuat performa kami tampak kurang (Oo totoo ang sinabi ni KasiiiH. Pero bukod sa kulang kami sa preparasyon, nagka-problema rin kami sa ibang technical factors kagaya ng bugs at mahinang network).”
Deserve pa rin ng RRQ Hide na magkaroon ng tsansa
Sa pagtatapos ng FFML S5 Division 1, sinabi ni coach TomoMKS na handa siyang ayusin ang buong koponan para sa darating na FFML Division 2 kung saan sunod silang lalaban.
“Benar, terlepas dari apapun yang terjadi selama berkompetisi di Divisi 1 ini kami mencoba untuk ambil pelajaran aja untuk kedepannya bang. Karena, menurutku pribadi tim ini masih layak diberi kesempatan dan dibenahi dari awal nantinya kami akan mencoba menjadi lebih baik dari Divisi 2 (Kung anuman ang nangyari sa Division 1, susubukan naming makakuha ng mga aral para magamit ito sa hinaharap. Para sa’kin, deserve pa rin ng koponan na magkaroon ng chance at ita-try namin maging better sa Division 2),” ani niya.
Bilang isang coach na nakapag-handle na rin ng isang Division 2 team, confident si TomoMKS sa potensyal na mayroon ang RRQ Hide at kailangan lang nila itong ma-maximize.
“Potensi kami juga besar, banyak pemain-pemain muda yang kami hadirkan sebagai bibit kekuatan baru di RRQ Hide ini nantinya. Kami belajar banyak dari sini lah bang (Malaki ang aming potensyal at bata pa ang mga players ng RRQ Hide. Marami kaming natutunan mula sa season na ‘to).”
Nagtapos sa pinakailalim ng standings (No. 18) ang RRQ Hide at kailangan nilang bumaba sa FFML Division 2 para sa susunod na season. Papalitan sila ng RRQ Kazu na tinatampok ang senior players tulad ni Legaeloth.
Salin ito ng artikulo ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports Indonesia.