Kilala ang Free Fire, na isang battle royale game ng Garena, dahil sa malawak na koleksyon nito ng skins at elite pass bundles.
Karamihan sa mga skins na ito ay maaaring bilhin gamit ang Diamonds, pero ang iba naman ay makukuha gamit ang rare na Booyah.
Ito ang lima sa pinaka-rare na Free Fire skins na maaari mong makuha.
5. Galaxy Dino
Tampok ang Galaxy Dino skin sa kauna-unahang Free Fire Incubator, na pinangalanang Dino Rangers Incubator.
Kailangan ng pitong Blueprints at tatlong Evolution Stones, na pwedeng makuha randomly gamit ang Diamonds, upang makakuha ng Halaxy Dino Bundle.
Susuotan ang character mo ng Incubator na ito ng dinosaur onesies. Bukod sa kasamang Minions-themed suit, meron ding particle effects ang nasabing skin.
Hindi pa bumabalik ang Incubator hanggang ngayon kaya naman isa ang Galaxy Dino bundle na ito sa mga pinaka-rare na skins sa laro.
4. Arctic Blue
Pinakilala ang Arctic Blue skin sa Diamond Royale. Tampok sa legendary bundle na ito ang isang de-maskara na karakter na nababalot sa sarili niyang bughaw na apoy.
Lumalabas man paminsan-minsan sa Magic Cube store ang skin bundle na ito, madalas pa rin humanap ng paraan ang fans ng laro upang makuha ito.
3. The Streets
Noong ikalawang Elite Pass, na tinatawag na Hip Hop Elite Pass, pa inilabas ang The Streets bundle. Kung naglalaro ka na ng Free Fire noong mga naunang season, malamang ay natatandaan mo ang skin na ito.
Bagamat flashy at out-of-this-world ang karaniwang disenyo ng mga skins sa Free Fire, style naman ang dating ng The Street na a la Grand Theft Auto o Saint’s Row.
Dahil kakaunti na lang ang mga naunang player ang active pang naglalaro, masasabing beterano ka na pag meron ka nito.
2. Green Criminal
Ang Green Criminal na ang pinaka-rare na skin sa Free Fire dahil sa swerte ka lang maaaring umasa para makuha ito.
Na-introduce ang Green Criminal sa isang Lucky Draw event. ‘Di gaya ng ibang events, walang kasiguraduhan na makuha ang Green Criminal sa Lucky Draw, kaya maraming ang pumipili na lang na i-save ang kanilang Diamond.
Kung makakita ka ng naka-Green Criminal, malamang ay gumastos ang player na ito ng maraming Diamonds para ma-flex ang isa sa pinaka-rare na skin sa Free Fire.
1. Sakura Blossom
Ang Japanese-themed bundle na ito ay tampok sa kauna-unahang Elite Pass noong 2018. Hindi pa sigurado ang lumalagong player base noon kung sulit nga ba ang season pass, kaya yung mga die-hard fans lang ang gumastos para dito.
Patok man sa mga fans ng Japanese culture ang skin na ito, iba pa rin ang detalye ng mga mas bagong skins kumpara dito.
Dahil mukang walang plano na mag-issue muli ng classic bundle sa store, maaaring isa na rin ang Sakura Blossom sa pinaka-rare na skin sa Free Fire.