Dinala ng isang buong taon ng matinding kompetisyon ang mga pinakamalulupit na Valorant teams sa buong mundo patungo sa inaabangang Valorant Champions 2021 ng Riot Games.
Tanging ang top 16 squads mula sa 2021 VCT season ang pinili para paglabanan ang kauna-unahang Valorant world championship.
Pero sino ba ang mananalo dito?
Kung tingin mo ay alam mo ang sagot, maaari kang makakuha ng parte sa mahigit 30,000 Valorant Points na ipapamimigay sa ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge!
Ganito gumagana ang ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge
Pinaganda namin ang Fantasy experience kaya naman mayroon nang dalawang paraan sa paglalaro: ang Pick’Em at ang bagong Live Fantasy.
Kahit anuman sa format ang inyong laruin, makakakuha kayo ng Fantasy Tokens. Sa pagtatapos ng torneo, ang 10 players na may pinakamaraming Fantasy Tokens mula sa paglalaro ng Pick’Em o Live Fantasy sa ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge ay gagantimpalaan ng Valorant Points.
- 1st place – 7000 Valorant Points
- 2nd to 4th place – 4000 Valorant Points
- 5th to 10th place – 2500 Valorant Points
Paano laruin ang Pick’Em sa ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge
Bago magsimula ang bawat laban sa Valorant Champions 2021, mayroon kayong tsansa na makaipon ng Fantasy Tokens sa pamamagitan ng paglalaro ng Pick’Em.
Ang kailangan niyo lang gawin ay hulaan ang sagot sa apat na katanungang ito para sa paparating na match:
- Sino ang mananalo sa match?
- Sino ang mananalo sa first round ng Map 1?
- Sino ang mananalo sa first round ng Map 2?
- Aling koponan ang makakakuha ng pinakamaraming kills?
Mag-isip ng mabuti dahil kailangan tama ang inyong sagot sa lahat ng katanungan para makakuha ng puntos.
Lahat ng players na tumpak ang mga sagot ay maghahati-hati sa prize pool na 3,000 Fantasy Tokens na nakalaan dito sa Pick’Em mode ng ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge.
Halimbawa, kung 10 players nakakuha ng apat na tamang sagot, bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng 300 Fantasy Tokens. Pero kung lima lang, bawat isa naman ay makakakuha ng 600 Fantasy Tokens.
Paano laruin ang Live Fantasy sa ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge
Ang Live Fantasy ang pinakabagong pakulo ng ONE Esports na binibigyan ka ng pagkakataon na i-enjoy ang fantasy experience habang ginaganap ang mga laro.
Sa bawat match, maaari niyong gamitin ang inyong resources para magdagdag ng players sa inyong roster. Mas maraming kills, assists at objectives mula sa napili niyong players sa inyong roster, mas maraming points ang matatanggap niyo.
Ang mga Fantasy players na may pinakamataas na points sa pagtatapos ng match ang mananalo ng Fantasy Tokens.
Paano buuin ang inyong roster
Sa pagsisimula ng bawat Live Fantasy match, ang mga manlalaro ay magsisimula sa Level 1 at bibigyan ng 100 Resources na pwedeng gastusin para makapaglagay ng mga pro player sa inyong roster.
Para makapaglagay ng mga player sa inyong roster, sundan ang mga hakbang na ito:
- I-click ang Resource cost sa kanan ng bawat player sa team menu.
- Ang pinili niyong player ay dapat malagay sa inyong roster. Pwede kayong magkaroon ng multiple copies ng parehong player. Para magawa ito, i-click ang “+” sign sa napili niyong player.
Ang Resource cost ng bawat pro player ay nadadagdagan o nababawasan depende sa kung gaano kaganda ang nilalaro nila.
Pagbago ng inyong roster at ang tinatawag na frozen roster
Maaari kayong magdagdag o magtanggal ng players sa inyong roster habang gumugulong ang match, basta mayroon kayong resources. Ang tanging oras na ‘di niyo mababago ang inyong roster ay kapag ang team at roster menus ay frozen.
Nangyayari ang frozen status kapag mayroong major events na nangyayari. ‘Pag natapos na ang isang major event sa laro, ang frozen status ay babalik sa unfrozen at pwede niyo na ulit baguhin ang inyong roster.
Pag-level up at pagkuha ng mas marami pang resources
Habang kayo nakakakuha ng points sa match, magle-level up kayo. Nagbibigay ang pag-level up ng mas maraming resources na maaari niyong gamitin para palakasin ang inyong roster na siya namang nagbibigay ng mas maraming points.
Information Tabs (Desktop)
Maaari kayong makahanap ng mga impormasyon tungkol sa Live Fantasy at sa mismong match na pinapanood niyo tulad ng rules, leaderboards, milestones at match events sa tabs na nakalagay sa ibaba ng stream.
Information Tabs (Mobile)
Kung kayo ay naglalaro ng Live Fantasy sa inyong mobile device, pwede niyong ma-access ang information tabs sa pamamagitan ng pagpindot sa main Navigation Menu button at pagpili sa information tab na gusto niyong makita.
Sa pagtatapos ng bawat match, isang leaderboard ang magpapakita kung gaano karaming Fantasy Tokens ang inyong nakuha sa Live Fantasy mode ng ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge.
Ang ONE Esports Valorant Champions Fantasy Challenge ay magsisimula ngayong araw at magtatapos sa ika-12 ng Disyembre, 2021.
Handa na ba kayong maglaro? Mag-sign up na dito!