Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Pumatok ang Lunox combo ni Myanmar Mobile Legends: Bang Bang player Swan “Ruby DD” Aung simula noong gawin niya ito kontra Bren Esports sa M2 World Championship.

Bagamat lumipas na ang ilang taon, hanggang ngayon ay sikat pa rin ang inimbentong combo ng dating Burmese Ghouls at Falcon Esports star player sa mga mage user sa Mobile Legends.

Mid Laner sa MLBB
Ang trabaho ng Mid Laner sa MLBB at bakit ito tinawag na ‘Pos 4’

Bukod kasi sa pagiging isa sa pinaka-flashy na skill combo sa Land of Dawn, hindi maikakaila ang laki ng impact nito sa mga team fight dahil sa biglaang damage na naibibitaw nito, dahilan para hindi agad makapag-react ang mga kalaban.

Sa komprehensibong ONE Esports guide na ito, ituturo namin sa inyo kung paano gawin ang Lunox combo a la Ruby DD, at kung kailan mo dapat ito isagawa sa laro.

Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Lunox combo ni Ruby DD sa MLBB