Isang Dota 2 Major ang gaganapin sa North America sa unang pagkakataon sa loob ng walong taon.

Dadalhin ang PGL Arlington Major ang pinakamataas na antas ng Dota 2 sa Texas at ito ang panghuling Major ng taon bago ang The International 11 sa Singapore.

Dito nakasalalay ang huling tsansa ng mga koponan na makakolekta ng DPC points bago ang Regional Qualifiers para as TI11, kaya naman siguradong gigil ang mga koponan dito na may pag-asa pang makakuha ng direct invite.

Maging bahagi ng maiinit na aksyon sa naturang torneo sa pamamagitan ng pagsali sa ONE Esports Fantasy PGL Arlington Major Challenge. Tingin mo ba alam mo kung sinu-sino ang aangat? Sali na!

Ang mananalo ay magkakamit ng 12 buwan ng Dota Plus subscription na magbibigay sayo ng access sa shards, bagong hero chat wheel responses, exclusive rewards at marami pang iba!


Paano laruin ang ONE Esports Fantasy PGL Arlington Major Challenge

Credit: BOOM Esports

Para makapagsimulang laruin, ang kailangan mo lang gawin ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba:

  1. Ano ang 8 teams na aabante sa upper bracket ng playoffs? (100 points kada tamang hula)
  2. Anu-anong koponan ang papasok sa top 4? (300 points kada tamang hula)
  3. Anong rehiyon ang makakasali sa finals? (200 points)
  4. Ano ang isa pang rehiyon na makakasali sa finals? (200 points)
  5. Sino ang magiging kampeon sa PGL Arlington Major? (1,000 points)
  6. Wildcard! Sinong hero ang magiging most picked sa Major na ito? (500 points)

Sa bawat tamang prediksyon, makukuha mo ang nakalistang puntos. Ang goal sa challenge na ito ay makalikom ng points hangga’t maaari.


Tiebreaker rules sa ONE Esports Fantasy PGL Arlington Major Challenge

Credit: Gamers8 Esports

Kung maraming manlalaro ang makakakuha ng parehong dami ng puntos, isang tiebreaker ang gagawin. Ang manlalaro na may pinakamalapit na sagot sa mga katangunan sa ibaba ang hihiranging panalo.

  1. Ilang Roshan ang mapapatay sa Grand Final?
  2. Ilang hero kills ang maitatala ng winning team sa Grand Final?

Premyo sa ONE Esports Fantasy PGL Arlington Major Challenge

Credit: ESL

Lahat ng winenrs ay makakatanggap ng Dota Plus subscription, pero tanging ang grand winner lang ang makakuha ng 12-month subscription. Ang mga manlalarong magtatapos sa 2nd hanggang 6th place ay may 6-month sub habang ang 7th hanggang 16th naman ay may 1-month sub.

  • 1x Grand winner: 12-month subscription
  • 5x Tier 1 winners: 6-month subscription
  • 10x Tier 2 winners: 1-month subscription

Handa ka na ba? I-click ang link na ito upang makasali sa ONE Esports Fantasy PGL Arlington Major Challenge na nakatakda mula ika-28 ng Hulyo hanggang ika-3 ng Agosto.