Matapang ang naging opinyon ng carry player ng kasalukuyang Aegis of Champions bearer na si Yatoro ng Team Spirit matapos nilang maglaro ng League of Legends sa unang pagkakataon.

Nais ata patunayan ng koponang kilala ngayon bilang ang pinakamalakas na Dota 2 team sa buong mundo kung kaya ba nilang talunin ang mga manlalaro ng karibal na MOBA title sa sarili nilang laro.

Team Spirit naglaro ng League of Legends sa unang pagkakataon

Yatoro ng Team Spirit tinawag na 'worst game in the world' ang League of Legends
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Sa simula pa lang ng laban, halata nang kahit kailan ay hindi pa nakakapaglaro ng LoL ang mga kampeon ng The International 10.

Narito ang mga sumusunod na champions na kanilang ginamit:

  • Yaroslav “Miposhka” Naidenov (Zac)
  • Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek (Jinx)
  • Magomed “Collapse” Khalilov (Pantheon)
  • Illya “Yatoro” Mulyarchuk (Vel’Koz)
  • Airat “Silent” Gaziev (Heimerdinger)

Si Miposhka, na pinunan ang role na jungler, ay hindi bumili ng starting jungle item (Emberknife man o Hailblade), na nagpapataas sana ng damage kontra monsters at nagbibigay din ng dagdag experience.

Bilang resulta, nahirapan siyang patayin ang Krugs. Pangkaraniwang pagkakamali ito ng mga Dota players na maglalaro ng LoL sa unang pagkakataon dahil walang mechanic sa Dota 2 para sa pagja-jungle mismo.

Samantala, nabiktima naman ng level cheese strat sa bot lane si TORONTOTOKYO na naglalaro bilang Jinx. Namatay kasi siya agad bago pa dumating ang unang minion wave, dahilan para pabirong trashtalk-in ng kanyang mga kakampi.

Yatoro ng Team Spirit tinawag na 'worst game in the world' ang League of Legends
Credit: Riot Games

‘Di tulad ng kanyang mga kakampi, mukang mas komportable naman ang laruan ni Collapse sa top lane bilang Pantheon. Ilang beses niyang na-solo kill ang kanyang katapat. Factor na rin siguro ang pagkakapareho ng disenyo ng naturang champion kay Mars na parehong may long-ranged spear.

Kung anong ganda ng laro ni Collapse sa top, ganon naman kahirap ang naging lane ni Yatoro sa mid. Kahit pa nag-AFK nang bahagya ang katapat niyang Yasuo, nagawa pa rin nitong baugin ang kanyang Vel’Koz. Na-1-versus-2 pa nga sila nito nang subukang tulungan ni Miposhka si Yatoro bandang late game.

Hindi rin nakatulong ang mga palyadong Super Mega Death Rocket ng Jinx ni TORONTOTOKYO sa tuwing may clash.

Tulad ng inaasahan mula sa kanilang laruan, bigo ang Team Spirit na maipanalo ang una nilang LoL match. Nagtapos ang bakbakan sa scoreline na 32-54.

Yatoro ng Team Spirit tinawag na 'worst game in the world' ang League of Legends
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Ang opinyon ni Yatoro ng Team Spirit tungkol sa LoL

Yatoro ng Team Spirit tinawag na 'worst game in the world' ang League of Legends
Credit: Valve

Nang tanungin ang kanilang opinyon matapos ang laban, pabirong sinabi ni Miposhka na hindi na siya maka-upo nang maayos pagkatapos ng laban dahil hindi na kumportable ang kanyang “you-know-where”. Sa huli, sinabi niyang “if you play LoL, then prep your hole.”

Matapos balagbagin ng nakatapat na Yasuo at makapagtala ng 9/12/7 KDA, tinawag ni Yatoro ang LoL na ‘worst game in the world’ at wala rin siya umanong nagustuhan tungkol dito.

Nang tanungin naman tungkol sa surrender button, isang mechanic na wala sa Dota, aniya:

“Then we wouldn’t have won half of the games we’ve won.”

Muka namang nagustuhan ni Silent, ang coach ng koponan, ang laro. Pinuri niya ang visuals nito sabay sinabing, “it’s convenient to watch a TV series, eat, and play LoL at the same time.”

Mapapanood ang kumpletong video dito:

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Gabbi pasok bilang stand-in sa Dota 2 roster ng T1