Itatampok ng The International 11 ang pinakamalalakas na koponan sa buong mundo sa rurok kompetisyon ng Dota 2. Nakahanda na ang entablado para sa 18 koponan sa Singapore at dalawa na lang ang hinihintay mula sa Last Chance Qualifier. Ang ilan ay uuwi na mga bagong milyonaryo, ngunit isa lang ang magbubuhat ng Aegis of Champions.

Pinapakita ng ONE Esports TI11 Power Rankings ang relatibong lakas ng bawat koponan. Pero ang pinakaimportante ay sinusubukan nitong sagutin ang isang tanong — anong koponan ang aalis ng Singapore na dala ang Aegis?

100 manlalaro na bitbit ang kanilang RGB peripherals at buong pusong sasabak sa mga laban ang magtatagisan para sa kadakilaan. Sa ika-29 ng Oktubre, lima lang ang matitira. Sino kaya ang maiiwan sa ilalim ng spotlight?


TI11 Power Rankings ng ONE Esports

Ti11 Power Rankings ng ONE Esports
Credit: ONE Esports

Masaya nang nandito

  • Hokori
  • Fnatic
  • Soniqs
  • Gaimin Gladiators
  • Talon Esports

Maraming gustong patunayan

  • Tundra Esports
  • Evil Geniuses
  • BOOM Esports
  • TSM FTX

Ang mga dark horse

  • beastcoast
  • Thunder Awaken
  • BetBoom Team
  • Royal Never Give Up

Ang best of the rest

  • Entity
  • Team Aster

Ang best of the best

  • PSG.LGD
  • Team Spirit
  • OG

Team Spirit, PSG.LGD at OG ang top 3 sa TI11 Power Rankings

Credit: PGL

Ang tatlong koponan na ito ay serial winners — at oo, maging batang grupo ng OG ay napatunayan na ito sa loob lang ng isang season. Dinomina ng mga koponang ito ang mga international LAN ngayong taon na Stockholm at Arlington Major, Riyadh Masters at ESL ONE Malaysia 2022. Saan man sila magpunta, umaangat sila.

Bagamat tila nawala ang tikas ng Team Spirit sa mga unang bahagi ng season matapos ang mala-malang laro sa Stokcholm Major at Gamers Galaxy Dubai Invitational, nagbalik sila nang mabilis. Pupunta ang TI10 champions sa kanilang title defense nang mainit pagkatapos pagharian ang Arlington Major kontra sa karibal na PSG.LGD.

Credit: Gamers8 Esports

Siyempre hindi natin pwedeng isantabi na lang ang PSG.LGD. Ang Chinese powerhouse na ito ang matibay na ehemplo ng consistency sa mga nagdaang taon, anuman ang kanilang roster.

Marami pa rin ang itinuturing na pinakamalakas na carry sa buong mundo si Wang “Ame” Chunyu habang magigilas din naman ang mga kakampi niya. Para sa LGD fans, siguradong kakabog ang mga puso nila hanggang sa makarating ang koponan sa grand finals kung saan madalas nararanasan ng koponan ang mga balakid.

Credit: ESL

Samantala, pinagpatuloy naman ng mga bagito ng OG ang winning ways ng mga nauna sa kanila. Sila ang nagdagdag ng ikalimang Major championship sa organisasyon na pinantayan ang record ng Team Secret at Virtus.pro. At ang pagkuha ng ikatlong Aegis ay hindi pa nagagawa ng kahit sino.

Ang trendsetters ng OG ang isa sa mga unang koponan na talagang sumandal sa mindset na halos magkakapantay na tri-core pagdating sa farm. Ang kanilang rising stars na core players ay madalas na nagpapasiklab gamit ang iba’t-ibang heroes sa iba’t-ibang sitwasyon.

Para sa mga istorya patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.


BASAHIN: Eksklusibo: Arteezy inilahad ang nakikita niyang top teams sa TI11 LCQ at Main Event