Huhugutin mula sa TI11 Last Chance Qualifier ang huling dalawang koponan na makikipagbakbakan sa main event ng The International 11, ang world championship ng Dota 2 ngayong taon.

Tampok sa five-day tournament ang ilan sa pinakamalalakas na koponan mula sa anim na rehiyon. Ibabandera ng Polaris Esports at T1 ang Southeast Asia matapos pumuwesto sa top 3 ng Regional Qualifier. Kasali rin dito ang Team Secret ni TI1 champion Clement “Puppey” Ivanov, na target panatilihin ang kanyang makasaysayang streak na pagsali sa bawat TI.

Credit: ONE Esports

Ang group stage ng TI11 Last Chance Qualifier ay nakatakdang ganapin sa ika-8 at ika-9 ng Oktubre habang ang playoffs naman ay isasagawa mula ika-10 hanggang ika-12.

Hinati sa dalawang grupo ang 12 kasaling koponan sa TI11 Last Chance Qualifier. Ang top 4 mula sa bawat grupo ay uusad sa upper bracket ng double elimination playoffs habang ang bottom 2 ay magsisimula naman sa lower bracket.



Group stage standings sa TI11 Last Chance Qualifier

TI11 Last Chance Qualifier groups
Credit: PGL

Group A

STANDINGKOPONANGAME RECORDMATCH RECORD (W-D-L)
1stNatus Vincere7 — 32 — 3 — 0
2ndVici Gaming6 — 42 — 2 — 1
3rdTeam Secret6 — 41 — 4 — 0
4thPolaris Esports6 — 42 — 2 — 1
5thnouns4 — 61 — 2 — 2
6thTempest1 — 90 — 1 — 4

Group B

STANDINGKOPONANGAME RECORDMATCH RECORD (W-D-L)
1stTeam Liquid8 — 23 — 2 — 0
2ndXtreme Gaming6 — 42 — 2 — 1
3rdVirtus.pro5 — 51 — 3 — 1
4thT15 — 51 — 3 — 1
5thInfamous3 — 70 — 3 — 2
6thWildcard Gaming3 — 70 — 3 — 2

Schedule at mga resulta sa TI11 Last Chance Qualifier

Credit: T1

October 8

Stream A

KOPONANRESULTAKOPONAN
Team Secret2 – 0Tempest
T10 – 2Team Liquid
nouns0 – 2Polaris Esports
Xtreme Gaming1 – 1Virtus.pro

Stream B

KOPONANRESULTAKOPONAN
nouns0 – 2Natus Vincere
Polaris Esports1 – 1Natus Vincere
Tempest0 – 2Vici Gaming
Tempest0 – 2Natus Vincere

Stream C

KOPONANRESULTAKOPONAN
Xtreme Gaming1 – 1Team Liquid
Xtreme Gaming2 – 0Wildcard Gaming
Wildcard Gaming1 – 1Virtus.pro
Team Liquid1 – 1Infamous

Stream D

KOPONANRESULTAKOPONAN
Virtus.pro2 – 0Infamous
Vici Gaming1 – 1Team Secret
T11 – 1Infamous
Team Secret1 – 1nouns

October 9

Stream A

KOPONANRESULTAKOPONAN
Team Secret1 – 1Polaris Esports
Vici Gaming1 – 1Natus Vincere
T11 – 1Virtus.pro
Polaris Esports0 – 2Vici Gaming

Stream B

KOPONANRESULTAKOPONAN
T12 – 0Xtreme Gaming
Xtreme Gaming2 – 0Infamous
Tempest0 – 2Polaris Esports
Wildcard Gaming1 – 1T1

Stream C

KOPONANRESULTAKOPONAN
nouns2 – 0Vici Gaming
nouns1 – 1Tempest
Team Secret1 – 1Natus Vincere

Stream D

KOPONANRESULTAKOPONAN
Wildcard Gaming0 – 2Team Liquid
Team Liquid2 – 0Virtus.pro
Infamous1 – 1Wildcard Gaming

Credit: Valve

Sa kasagsagan ng group stage ng TI11 Last Chance Qualifier, apat na laro ang sabay-sabay na tatakbo sa mga sumusunod na opisyal na Twitch stream ng PGL: PGL_Dota2, PGL_DOTAEN2, PGL_DOTA2EN3 at PGL_DOTA2EN4. Para sa huling araw, ang mga laro ay ipapalabas sa main Twitch channel ng PGL. Mapapanood din ang mga laban sa YouTube.

Ang opisyal na Filipino broadcast naman ay ihahatid ng LuponWXC sa kanilang Facebook, YouTube at Twitch channel.

Para sa esports news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.