Kumpleto na ang 20 koponang magsasagupaan sa The International 11 (TI11) na gaganapin sa Singapore.

Sinamahan ng mga nanalong koponan mula sa Regional Qualifiers sa Southeast Asia, China, Western Europe, Eastern Europe, North America at South America ang 12 teams na nakakuha ng direct invite sa TI11 sa pamamagitan ng Dota Pro Circuit (DPC) points.

Pinaglabanan naman ng mga 2nd at 3rd placers mula sa anim na Regional Qualifiers ang dalawang nalalabing slots sa Last Chance Qualifier upang kumpletuhin ang pinakamalaking Dota 2 world championship sa kasaysayan.

Gaganapin ang TI11 group stage mula ika-15 hanggang ika-18 ng Oktubre bago ang playoffs sa pagitan ng ika-20 hanggang ika-30 ng parehong buwan.

Narito ang mga koponang pasok sa TI11 sa pamamagitan ng direct invite mula sa DPC points, Regional Qualifiers at Last Chance Qualifier.


Kumpletong listahan ng koponang pasok sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points

Pasok ang PSG.LGD sa TI11
Credit: Valve
STANDINGKOPONANDPC POINTSREHIYON
1stPSG.LGD2,240China
2ndOG1,930Western Europe
3rdTeam Spirit1,810Eastern Europe
4thbeastcoast1,810South America
5thTeam Aster1,610China
6thThunder Awaken1,540South America
7thBOOM Esports1,482Southeast Asia
8thTSM1,380North America
9thTundra Esports1,212Western Europe
10thGaimin Gladiators1,130Western Europe
11thEvil Geniuses1,052North America
12thFnatic1,020Southeast Asia

Mga koponang nakapasok sa TI11 sa pamamagitan ng Regional Qualifiers

Credit: ONE Esports
KOPONANREHIYON
Talon EsportsSoutheast Asia
Royal Never Give UpChina
EntityWestern Europe
BetBoom TeamEastern Europe
SoniqsNorth America
HokoriSouth America

Dalawang huling koponan na kwalipikado sa TI11 mula sa Last Chance Qualifier

Credit: Team Secret
KOPONANREHIYON
Team SecretWestern Europe
Team LiquidWestern Europe

Sa oras ng pagkaka-update ng artikulo, ang prize pool ng The International 11 ay nasa mahigit US$13 milyon o lagpas PHP765 milyon. Inaasahang tataas pa ito dahil sa 2022 Battle Pass.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa Dota 2.