Inilahad na ng Valve ang mga magkakasamang koponan sa The International 11 o TI11 Group Stage. Pinaghiwalay ang 20 teams sa dalawang grupo na tig-sampu.
Opisyal na magsisimula ang TI11 Group Stage sa Sabado, ika-15 ng Oktubre at tatakbo ito hanggang sa Martes, ika-18. Ang mga koponan sa Group A at B ay magsasagupaan sa best-of-2 series sa ilalim ng single round-robin format.
Ang opisyal na TI11 Group Stage lineups
Group A
- BetBoom Team (Eastern Europe)
- BOOM Esports (Southeast Asia)
- Evil Geniuses (North America)
- Gaimin Gladiators (Western Europe)
- Hokori (South America)
- PSG.LGD (China)
- OG (Western Europe)
- Royal Never Give Up (China)
- Soniqs (North America)
- Team Liquid (Western Europe)
Group B
- Team Aster (China)
- beastcoast (South America)
- Entity (Western Europe)
- Fnatic (Southeast Asia)
- Team Secret (Western Europe)
- Team Spirit (Eastern Europe) (defending TI champion)
- Talon Esports (Southeast Asia)
- TSM FTX (North America)
- Tundra Esports (Western Europe)
- Thunder Awaken (South America)
Katulad sa nakaraang taon, ang top 4 teams mula sa bawat pangkat ang aabante sa upper bracket ng playoffs na gugulong mula ika-20 ng Oktubre.
Sisimulan naman ng mga koponan sa 5th-8th place ang kanilang kampanya sa lower bracket habang ang bottom 2 sa parehong grupo ay magpapaalam sa The International 2022.
Para sa iba pang mga detalye, bisitahin ang opisyal na Dota 2 esports blog ng Valve.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2.
Hango ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: Lahat ng koponang pasok sa TI11, ang taunang Dota 2 world championship