Masusukat ang tibay ng pinakamalalakas na Dota 2 team sa buong mundo ang The International 11 (TI11).
Hindi bababa sa 180 games ang idaraos ngayong taon sa group stage ng Dota 2 world championship. Pagbibidahan ito ng 20 koponan, ang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng turneo.
50 games ang naka-schedule sa unang tatlong araw ng group stage, at sabay-sabay na ibo-broadcast ang mga laban sa limang streams. Ang huling araw ng group stage ay magtatampok ng 30 games—mas marami kung magkakaroon ng tiebreakers.
Hindi bababa sa 180 games ang lalaruin sa TI11 group stage
Mahaba at puspusan ang nakalatag na daan para sa mga koponang nais makamtan ang Aegis of Champions ngayong taon.
Hinati sa dalawang pangkat na may tig-10 teams ang group stage. Ang bawat koponan ay maglalaro ng siyam na best-of-two matches sa susunod na apat na araw.
Gayunpaman, hindi naman ito ikinatuwa ng TI all-timer at kapitan ng Team Secret na si Clement “Puppey” Ivanov. Pinahaba raw kasi masyado ng Valve ang DPC ngayong taon.
“It’s a bugged system,” aniya. “I think it’s too stressful. Six weeks stuck somewhere, plus two weeks of pre-boot camp.”
“We don’t need downtime,” pagpapatuloy ni Puppey. “We can play 15 games a day. I understand that’s rough, but our capacity of what we can do is much higher.”
Apat na koponan ang mamamaalam sa TI11 group stage, habang ipagpapatuloy naman ng 16 na natitirang teams ang kanilang kampanya sa main event na magsisimula sa ika-20 ng Oktubre.
Narito ang listahan ng mga opisyal na Twitch streams mula sa PGL:
Lahat ng TI11 broadcast ay masusubaybayan din sa YouTube.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Throwback sa unang The International ang Free to Play documentary ng Dota 2