Naghahanap ka ba ng tulong para sa ONE Esports Fantasy TI11 Challenge? Narito ang tanyag na Dota statsman na si Ben “Noxville” Steenhuisen. Base ito mula sa kanyang orihinal na akdang makikita sa ONE Esports.


Sa mga nakalipas na taon, nasaksihan ang iba’t-ibang anyo ng Cinderella story pagdating sa The International (TI). Sa darating na TI11, kaabang-abang kung mayroon uling magaganap na ganito.

Bagamat kinapos ang CDEC noong TI5, ito ang unang pagkakataon na maraming Dota 2 fans ang tinanggap ang posibilidad na maaaring manalo ng Aegis of Champions ang isang koponan na hindi direct invite (sa kaso ng CDEC, kahit Wildcard team pa nga).

Makalipas ang tatlong taon, nagtagumpay ang OG sa European Open Qualifier kahit pa dumaan sila sa last-second roster reshuffle. Binitbit nila ang momentum papunta sa European Regional Qualifier at nagtuloy-tuloy hanggang pagharian ang mismong TI8.

Credit: Valve

Bago ang TI8, nilagay ng aggregate fan at bookmaker consensus ang OG sa bandang 11th-14th spot sa power rankings. Ganitong-ganito rin ang sitwasyon ng Team Spirit, na personal kong nilagay sa 9th place na may 3.47 posyento na tsansang manalo. Mas maigi pa nga ang odds na ito kaysa sa kabuuang sentimyentong pumapalibot sa koponan.

Nakakamanghang panoorin ang kanilang paglalakbay sa lower bracket playoffs ng TI10. Marami ang nagtanong kung hanggang saan ang aabuting nila. At sa huli ay nakamit nila ang inaasam na kampeonato.

Credit: Valve

Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang TI11. At kung may totoong Cinderall story na magaganap ngayon taon, dapat ay magsimula ito sa Last Chance Qualifier. Labindalawang koponan ang magsasagupaan para sa dalawang spot na natitira sa TI11 kaya naman siguradong magiging mahigpit ang bakbakan.

Narito ang dalawang koponan na may malaking tsansa na makalusot mula sa TI11 Last Chance Qualifier.


Mga koponan na pwedeng gumawa ng Cinderella story magmula sa TI11 LCQ

Team Secret

Credit: Valve

Mahirap ituring na dark horse ang Team Secret. Ang kanilang kapitan na si Clement “Puppey” Ivanov ang isa sa pinakabeteranong pro player sa kasaysayang ng Dota 2 na may 2,270 games, ikaapat sa lahat ng players. Sa LAN, mas nakakatakot siya dahil siya ang most experienced player na may mahigit 1,000 games at 62% win rate.

Hindi naging maganda para sa Team Secret ang ikatlong DPC Tour kung saan nagtapos sila sa 5th place at kinapos na makapasok sa Arlington Major matapos matalo sa Entity sa tiebreaker. Sa kalagitnaan ng season, kinuha nila si Baqyt “Zayac” Emiljanov bilang pamalit kay Yazied “YapzOr” Jaradat, at sa pagtatapos naman ng season ay tinanggal nila si Daryl “iceiceice” Koh para bigyang-daan ang pagpasok ni Roman “Resolut1on” Fomynok.

Agad na may nag-click sa koponan at sumunggab sila ng podium finishes sa Riyadh Masters at ESL One Malaysia. Sa kasamaang palad, minulto ulit sila ng Entity sa Western Europe Qualifier. Gayunpaman, nakakasindak pa rin ang Team Secret pagdating sa TI11 LCQ.


Xtreme Gaming

Credit: Valve

Sa kasaysayan ng competitive Dota, ang lalim ng skill sa loob ng Chinese Dota ay malaki ang pagkakaiba. Ilan sa malalaking teams tulad ng PSG.LGD, Vici Gaming, Invictus Gaming at EHOME ang nagdomina. Kapag may maliit na koponan na nag-break out ay madalas ito’y mga beteranong nagsama-sama (gaya ng Big God) o kaya naman mga bagito sa isang upstart team (gaya ng CDEC o Wings Gaming).

Nasa gitna nito ang Xtreme Gaming. Pinaghahalo ng koponan ang malawak na karanasan ni Ren “old eLeVeN” Yangwei (1,715 games, 7th most sa lahat ng Chinese pros) at Zhang “Eurus” Chengjun (1,683, 9th most sa China) sa mga baguhan tulad ni carry player Lou “lou” Zhen (91 professional games).

Nag-withdraw ang Xtreme sa Arlington Major dahil sa visa issues pero siguradong malakas ang loob nila pagsapit ng Last Chance Qualifier dala ng dalawang rason: 5-5 sila sa kanilang pinakabagong games kontra PSG.LGD (isa sa mga paborito sa TI11 at kinikilala bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo) at 8-2 naman laban sa Vici Gaming, na isa rin sa mga koponan sa LCQ.


TI11 poster
Credit: Valve

Magkakaroon kaya ng Cinderella story sa TI11? Magagawa kaya ni Puppey na mapanatili ang kanyang 100% attendance record sa TI? O isa na namang undervalued Chinese squad ang aangat at bubuhatin ang pinakaprestihiyosong tropeo sa Dota 2?

Para sa mga balita at guides patungkol sa iba’t-ibang esports titles, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


BASAHIN: TI11 Last Chance qualifier: Schedule, resulta, mga koponan, at saan mapapanood