Isipin mo ‘to: nakadiskubre ka ng isang magandang Valorant highlight clip at habang nagbabasa ka ng mga comments, may nakita kang isang nag-type ng “Sheesh!”

Ano nga ba ito at bakit lahat na lang ay biglang nagsasabi nito?


Ang ibig sabihin ng sheesh

Sinatra Sentinels
Credit: Sentinels

Ang “sheesh” ay isang ekspresyon ng pagkamangha, pananabik, o pagkagulat.

Sa gaming, ginagamit ng mga gamers ang terminong ito upang ipakita ang labis na pagpapahalaga sa mga napakagandang plays (o tinatawag na disgusting plays sa gamer slang).


Pinagmulan

Social Media Alexander Shatov
Credit: Alexander Shatov

Ang “sheesh” ay unang ginamit noong 1955, humigit-kumulang 67 taon na ang nakalipas, ayon sa Merriam-Webster dictionary.

Noong 2010’s, ang ekspresyon na ito ay mas pinasikat ng basketball superstar na si LeBron James.



Fast forward papuntang 202, nang pinost ng TikTok user na si @earlthechicken ang video na ito ng isang mid-day sneaker meet up kasama ang kanyang mga kabigan. Sa bawat ipinapakitang pares ng sapatos, maririnig si @earlthechicken na magsasabi ng “sheesh.”

Ang ekspresyon ay napulot ng ilang gamers, at naging viral ito sa mga players kung kaya’t marami sa mga miyembro ng community ang nagsasabi nito nitong mga nakalipas na taon.

Sheesh tweet
Screenshot by Kristine Tuting/ ONE Esports

Gamit ng ekspresyon sa Valorant at sa gaming

Marahil ang pinakasikat na esports player na gumamit ng katagang ito ay si Jay “Sinatraa” Won.

Hindi niya lamang ito ginagamit sa kanyang mga disgusting plays kung hindi pati na rin sa mga kapalpakang nangyayari sa game. Minsan ay walang pinipiling oras ang pagsasabi ni Sinatraa ng “sheesh,” dahil bakit nga naman hindi?



Isa pang player at streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek ang namataang may hawak na sign kung saan nakasulat ang katagang ito, na pinost ng kanyang girlfriend na si Hannah “Bnans” Kenney.

Shroud sheesh
Credit: Shroud

pati ang Twitch streamer ng Offline TV na si Leslie “Fuslie” Fu ay sumama na rin sa bandwagon matapos niyang makapatay ng isang Killjoy player sa isa sa kanyang mga streams.

Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang “Sheesh Song”, na inareglo ng YouTube content creator at musician na si elevate gamit ang bersyon ni Fuslie ng nasabing ekspresyon.

At ngayong alam mo na ang pinmagmulan ng ekspresyon at kung paano ito gamitin, handa ka nang mag-sheesh sa mga Valorant ranked games.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.