Bumalik sa digmaan ng Dota ang Gamer’s Paradise, at ngayon ay nagtuon ito ng pansin sa The International tournament. Hindi ganoon karaming esports competitions ang nakakapagbigay ng excitement sa publiko tulad ng The International – isang crowning tournament n g Doaa 2 competitive calendar na may record-breaking prize pools na milyon-milyones.
Sa pagdating ng TI11 sa Singapore, nagbabalik ang mga casters na sina John “johnxfire” Nathan Fernandez at Caisam “Wolf” Nopueto sa The Pulse segment para sagutin ang tanong na: Ano ang best The International?
The International, sinuri ng Gamer’s Paradise Episode 10
Binigay ni Wolf ang kaniyang boto sa TI6 na ginanap sa KeyArena sa Seattle. “On the surface level, there’s a lot of Filipino pride,” sabi niya.
Halimbawa, napatumba ng TNC Predator ang OG 2-0 sa isang revenge match. “Classes in the Phillippines also happened to be suspended on that day,” sabi niya. “And because of that, everyone was watching TI.”
Ngunit pabor si johnxfire sa TI3 dahil sa mga iconic moments na nangyari dito. “That was the era of NAVI versus Alliance,” sabi niya, kung saan nagharap si Danil “Dendi” Ishutin at Jonathan “Loda” Berg sa big stage.
Tinanong naman ng host na si Eri Neeman kung mayroong mas magandang grand final kaysa sa match ng OG at PSG.LGD noong TI8. At nagmukhang wala. Sumangayon ang dalawa na muntik na itong maabutan ng TI3, ngunit walang mas gaganda pa sa Cinderella run ng OG bilang underdog ng tournament na iyon.
Ang kilalang Dota 2 hot at caster na si Jorien “Sheever’ van der Heijden naman ang umupo sa hot seat ng Hero Story.
Noong tinanong kung ano ang pinaka-memorableng behind-the-scenes moment niya, sinab I ni Sheever ito ay noong sinabihan siya ni Sébastien “Ceb” Debs na nag-enjoy siya sa kaniyang casting. “It was the first pro player to say that to my face,” sabi niya. “At that point, I didn’t really get a lot of positive praise from the community, so that was very memorable to me.”
Sa House Party, sinamahan ni Sheever sina johnxfire at Wolf sa isang laro ng category at sinubok ang kaniyang Dota 2 knowledge.
Umeera ang Gamer’s Paradise sa social channels ng ONE Esports tuwing Lunes sa Facebook, Twitch, YouTube, at Afreeca TV, 8:30 p.m. GMT+8.