Matapos ang release ng series adaptation nito, mabilis na pumalo ang Chainsaw Man sa mundo ng anime. Sa isang higit lang ng kurdon, ang bidang si Denji ang magta-transform na sa isang anti-hero na may chainsaws para sa ulo at mga braso.
Hindi na dapat magpaalalang hindi dapat pinaglalaruan ang chainsaw, pero naghangas ang Filipino cosplayer na si Kean Juries na i-recreate ito para sa kanyang Chainsaw Man cosplay.
Ang Chainsaw Man cosplay ni Kean Juries
Solido ang attention to detail ng cosplay ni Juries. Bukod sa duguang office attire, nag-effort din ang cosplayer na paganahin ang chainsaw mechanics ng devil-hybrid na karakter.
Binuo ni Juries ang kanyang chainsaw helmet na may gumaganang rotary chain, pero ‘di kailangang mag-alala dahil mga piraso lang ng EVA foam ang inamit para sa mga patalim nito. Inakma din ng cosplayer na ang gumagalaw na panga ang maging switch para tumakbo ang chian.
Bukod dito, kinuha rin ni Juries ang pag-overheat ng totoong chainsaw kaya nagkabit niya ng maliit na smoke machine sa loob ng helmet. Pinatatakbo ng MG90S servo motor ang rotary chain, na nagbibigay ng a la makinang tunog.
Para naman sa umiilaw na dilaw na mata ni Denji, naggupit ang cosplayer ng ping pong balls at nilagay ito sa loob ng LED lights.
Simula lang ang gumaganang chainsaw head sa mga crafting project ni Jurie. Nagpahiwatig din kasi ang cosplayer na ile-level up pa niya ang kanyang Chainsaw Man cosplay sa pagpapagana sa mga chainsaw arms.
Mapapanood kung paano ginawa ni Jurie ang kanyang helmet para sa Chainsaw Man cosplay dito:
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Last of Us HBO TV series: Cast, release date at trailer