Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Samuel “Boxi” Svahn matapos ang matibay na panalo ng Team Liquid 2-0 laban sa OG sa lower bracket ng TI11 Playoffs.

Ibinahagi ng 24-anyos sa kanyang post-gaem interview kay Kaci “Kaci” Aitchison na amsaya siyang annaloa ng kanyang team sa kanilang elimination match. Gayunpaman, nalulungkot din siya para sa OG at sa kanyang dating teammate na si Tommy “Taiga” Le.

Team Liquid Boxi sa kanilang pagtalo at pag-eliminate sa OG sa TI11

Team Liquid TI11 Playoffs Boxi miCKe iNSaNiA
Credit: Valve

Outplayed ng TI11 Last Chance Qualifier runner-up squad ang OG sa dalawa nilang games na pinaglabanan. Gumamit sila ng mahusay na draft upang lumamang sa kalaban, habang ang OG naman ay tila nangangapa sa kahabaan ng series.

Nagdomina sa kani-kanilang mga lanes ang Lina ng midlaner na si Michael “miCKe” Vu at Pangolier ng offlaner na si Ludwig “zai” Wåhlberg sa game one. At mula dito ay nawawalan na ng pag-asa ang OG kapag sumasali na sa teamfights ang carry Drow Ranger ni Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen.



Walang pinagkaiba ang kinalabasan ng game two sa kabila ng hindi inaasahang Huskar pick ng OG na wala rin namang nagawa. Maagang nakuha ng Liquid ang lamang at hindi na nakahabol pa ang kalaban.



Walang mintis na itinumba ng Bloodseeker ni MATUMBAMAN ang mga kalaban sa kabuuan ng game, napilitan ang OG na itaas ang puting watawat pagdating 33 minutes sa ikalawang game.

Ilang sandali matapos ang laban, ibinahagi ni Boxi ang magkahalong emosyon na kanyang naramdaman matapos nilang ilaglag ang isa sa mga tournament favorites sa TI11.

“I’m happy, but they didn’t get to play their best,” sabi ni Boxi. “I think the pressure kind of got to them. I feel like the OG we played a month ago felt a lot stronger than this.”

Noong August 25, madaling natalo ng OG ang Team Liquid 2-0 sa group stage ng ESL One Malaysia 2022 – isang tournament na ipinanalo ni Taiga at ng kanyang squad.

“I know what it feels like,” sabi ni Boxi. “To lose without playing up to close to your full potential, and that feels really bad. So I feel bad for Tommy, but I feel super happy we won.”

“You never know what to expect,” dagdag niya. “Of course, we respect them a lot. It seemed easier than I thought it would be.”



Magpapatuloy ang Team Liquid sa kanilang TI11 run sa kanilang pagharap sa Thunder Awaken sa lower bracket quarterfinals ng playoffs. Ang mananalo ay makakasigurong may top 4 finish sa TI11.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.