Abala ang South Korean esports organization na T1 sa ngayon. Ang League of Legends at Dota 2 teams kasi ng organisasyon ay parehong nakikipagbakbakan sa international tournaments na League of Legends World Championship (Worlds 2021) at The International 2021 (TI10).
Matapos makakuha ng tatlong Worlds championship sa mga nakaraang taon, mahalaga ang Worlds 2021 para sa koponan. Meron silang tsansa na maibalik ang kanilang estado bilang isang alamat sa League of Legends scene.
Samantala, baguhan naman ang T1 sa The International. Apat sa miyembro ng koponan ay nasa kanilang TI debut pero hinihigitan ang mga inaasahan sa kanila sa pamamagitan ng malulupit na stats.
Nagsanib ang dalawang MOBA teams sa isang special video na puno ng pag-asa at pangarap para sa bawat isa.
T1 superstars Faker at Kuku hiniling ang tagumpay ng isa’t-isa sa Worlds 2021 at TI10
Nag-post ang T1 ng short clip na nagpapakita ng positibong pagbati mula sa League of Legends at Dota 2 teams nito.
Nagsimula ang video kay Lee “Faker” Sang-hyeok na naglalakad sa gaming facility ng organisasyon sa Seoul, South Korea. Pagkatapos ay lumabas na rin ang ibang miyembro. Nag-wish ng good luck sila Moon “Oner” Hyeon-joon at Lee “Gumayusi” Min-hyeong kila Karl “Karl” Baldovino and Matthew “Whitemon” Filemon.
Binigyan naman nila Park “Teddy” Jin-seong and Ryu “Keria” Min-seok si uengnara “23savage” Teeramahanon ng masigasig na “Fighting!” cheer habang sila Moon “Cuzz” Woo-chan at Kim “Canna” Chang-dong ay sumigaw ng “Good luck, Xepher (Kenny Deo)!” sa taas ng gusali.
Si Faker naman ang nagsabi ng good luck kay Dota 2 captain Carlo “Kuku” Palad.
“See you as champions,” wika pa ni Faker.
Nagpadala rin ang LoL squad ng ilang signed jerseys kila Kuku sa Romania kung nasaan ang venue ng TI10.
Ang mga koponan na ito ay naglalaro ng magkaibang esports title, pero sila ay nagkakaisa para sa iisang layunin–ang maging Worlds 2021 at TI10 champions.
“See you as champions,” sambit ni Kuku.
Panoorin sila Faker at ang kanyang koponan sa Worlds 2021 sa pamamagitan ng official channels ng Riot Games sa Twitch at YouTube.
Iba pang esports organizations na kasali sa parehong Worlds 2021 at TI10
May iba ring esports teams na kasali sa pinakamalalaking MOBA tournaments ng taon. Ang Fnatic at PSG Esports (PSG.LGD sa Dota 2 at PSG Talon sa LoL) ay parehong may pambato sa Worlds 2021 at TI10.
Maaaring mapanood ng Dota 2 fans ang opisyal na broadcast ng Valve para sa TI10 sa multicast stream, main stream, secondary stream, tertiary stream at quaternary stream nito.
Base ito sa orihinal na artikulo ni Kristine Tuting ng ONE Esports.
Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.