Masterful ang performance na ipinakita ni Martin “Saksa” Sazdov laban sa Team Secret sa isang napaka-importanteng regional league match nitong DreamLeague Season 15 DPC Europer Upper Division.

MVP performance ni Saksa gamit ang Clockwerk sa Game 1

Sa Week 4 ng DreamLeauge Season 15 DPC EU Upper Division, tinalo ng OG ang Team Secret ng 2-0 sa isang dominantent paraan. Mala-MVP ang mga plays ni Saksa sa Clockwerk at tinulungang burahin ang 18,000-gold lead ng Team Secret.

Clockwerk ni Saksa ang unang hero na namatay sa game-deciding na teamfight, ngunit madalian siyang nag-buyback at nag-reposition upang hindi makita ng Team Secret.

Sa pagkakataong nag-disengage ang parehas na teams, nakahanap si Saksa ng perpektong anggulo para ipatama ang ultimate na Hookshot ni Clockwerk kay Yazie “YapzOr” Jaradat, ang Mirana ng Team Secret.

Itong Hookshot play ay gumawa ng kaguluhan at pagkakalito sa side ng Team Secret at nag-resulta na maging out of position si Lasse “Matumbaman” Uprpalainen.

Outnumbered ang Team Secret at na-zone out sila palabas ng Radiant Ancient. Pumukol at tumama, nagawa na nga ni Saksa ang game-winning na Hookshot na nagbigay sa kanila ng 1-0 lead sa Team Secret.

Winning plays din ang ibinigay ni Saksa para sa OG gamit ang Lion

Position 4 support player ng OG ang nagpakita ng mga exceptional plays sa Game 2 gamit ang Lion. Dito naman, nagawa ni Zai na i-counter ang wombo-combo ng Team Secret gamit ang Earth Spike at Hex ni Lion na nakapanggulo sa kaniyang mga nakalaban.

Sinubukan ng Team Secret na i-focus ang support player ng OG sa mga clash sa late game, pero si Johan “N0tail” Sundstain ay nagawang tulungan ang Lion na mabuhay gamit ang Shallow Grave at Shadow Wave ni Dazzle.

Ang maliit na window na ito ang nagbigay sa OG ng sapat na damage at control sa Slark ni Matumbaman. Dali-daling sinugod ng OG ang base ng Secret at tinapos ang laban nang may 2-0 na victory.

Pantay ngayon ang OG sa Team Nigma sa 3rd place ng DreamLeague Season 15 DPC Europe Upper Division matapos ang kanilang pagkapanalo.

Dalawa pa ang mga laban nilang lalaruin, at ang kanilang kaharap ay Team Nigma sa May 16 3:00 am GMT+8, at Team Liquid sa May 20 sa 12:00 am GMT+8. Panoorin sila live sa DreamLeague’s official Twitch channel.