Kumpleto na ang mga manlalarong bibida sa Dota 2 roster ng BOOM Esports para sa susunod na season ng Dota Pro Circuit.
Ito ay matapos ianunsyo ng Indonesia-based esports organization na ang dating PSG.LGD member na si Yap “xNova” Jian Wei ang ikalimang miyembrong maglalaro sa kanilang koponan. Sasamahan siya ng mga sumusunod na manlalaro mula sa Pilipinas at Indonesia:
- OhMyVeno? Ito ang paliwanag ni Kuku sa Venomancer picks ng T1
- Blacklist Dota 2 roster ipinakilala na!
Dota 2 roster ng BOOM Esports
- (1) John “Natsumi-” Vargas
- (2) Erin “Yopaj” Ferrer
- (3) Saieful “FBZ” Ilham
- (4) Kenny “Xepher” Deo
- (5) Yap “xNova” Jian Wei
- (Coach) Chai Yee “Mushi” Fung
Kung ikukumpara ang bagong roster ng BOOM Esports sa mga miyembrong bumida noong ika-11 The International, ang taunang Dota 2 world championship, kapansin-pansin na sina Yopaj at FBZ lang ang natira.
Pinalitan ng Filipino carry mula Polaris Esports na si Natsumi- ang Laotian player na si Souliya “JaCkky” Khoomphetsavong. Ang dating T1 player na si Xepher naman ang hahalili sa posisyong iniwan ni Timothy “TIMS” Randrup, na ngayon ay nasa Blacklist International na. Ang pinakahuli na nga ang pagsapi ni xNova para punan ang puwesto ni Andrei “skem” Ong, na ngayon ay wala pang bagong koponan.
Ang kampanya ng BOOM Esports noong TI11
BOOM Esports ang koponang nakapagtala ng pinakamataas na puwesto mula sa tatlong pambatong naipadala ng Southeast Asia matapos magtapos ang kanilang kampanya sa TI11 sa 9th-12th place.
Himala kung maituturing ang paraan ng pagkakapasok ng koponan noon sa playoffs ng turneo. Ayon kasi noon sa statistician at bantog na Dota 2 community figure na si Ben “Noxville” Steenhuisen, 1.42% na lang ang tsansa nilang makalagpas sa playoffs.
Para makatawid, winalis nila noon ang top seed ng kanilang grupo na Evil Geniuses, saka tinalo sa tiebreakers ang Soniqs ng North America at BetBoom Team na mula sa Eastern Europe.
Sa unang round ng lower bracket, tinuldukan nila sa best-of-one series ang tsansa ng noo’y kampeon na Team Spirit na muling i-angat ang Aegis of Champions. Nabigyan sila ng pagkakataon na ilaglag ang isa pang grand finalist ng TI noong nakaraang taon na PSG.LGD pero winalis sila nito at dito nagtapos ang kanilang kampanya.
Nag-uwi ang BOOM Esports noon ng US$378,612, o mahigit ₱22 milyong piso.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Iceiceice magpapahinga muna matapos ang nangyari sa Team SMG