Matayog ang lipad ngayon nina Roman “Resolut1on” Fomynok Team Secret sa The International 2022 matapos nilang pangibabawan ang Last Chance qualifier.

Sinelyo ng koponan ang top three finish matapos walisin ang pambato ng South Ameica na Thunder Awaken para maka-abante sa upper bracket final ng naturang turneo.

Sa isang post-game interview kasama si Kaci Aitchison, ibinahagi ni Resolut1on kung paano nabigyang-buhay ang kanyang pro career at passion sa paglalaro ng Dota 2 sa pagsali sa Team Secret.

Tapos na raw sana sa Dota 2 si Resolut1on hangga’t sa sumali siya sa Team Secret

Nanumbalik ang gigil ni Resolut1on sa Dota 2 salamat sa Team Secret
Credit: Valve

Bago pa siya maging stand-in para kay Daryl “iceiceice” Koh noon sa Riyadh Masters 2022, papunta na si Resoluti1on sa pagiging broadcast talent.

Pero dahil nagtapos ang kampanya noon ng Western European team sa ikatlong puwesto, napagdesisyunan nilang gawing regular member ang Ukrainian player. Simula noon, paangat na lang ang performance ng Team Secret.

Nabaligtad ng koponan ang season nila matapos maka-qualify sa TI11 mula sa Last Chance qualifier. Maganda rin ang ipinakita nila sa group stage matapos makaselyo ng upper bracket berth.

Hindi tumigil dito ang kanilang pamamayagpag. Sa playoffs, pinababa nila sa lower bracket ang paboritong PSG.LGD, saka winalis ang dark horse ng turneo na Thunder Awaken. Nakapagtala ang offlane Leshrac ni Resolut1on ng 16/1/15 KDA sa ikalawang mapa ng seryeng ‘to.



Sa kabuuan, suryal para kay Resolut1on ang kanilang kampanya sa TI11.

“It’s just an amazing feeling and it all clicks together so well for us,” aniya. “I’m super excited to be here, finishing already top three at this event. It feels like a dream because half a year ago, I thought I was done with Dota, and I’m not going to come back anymore, but here I am.”

Natagpuan niya rin daw muli ang gigil sa paglalaro sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon.

“At this point right now, I don’t enjoy anything else in the world other than playing the game,” paliwanag niya. “So I’m going to be here for quite a while.”



Sa pagselyo ng ikatlong puwesto, sigurado na ang US$1,556,441 (₱90 milyon) na premyo ng Team Secret. Pero syempre, hindi pa dito magtatapos ang kampanya nila. Haharapin nila ang Tundra Esports sa upper bracket finals para makalapit si Clement “Puppey” Ivanov sa ikalawa niyang Aegis of Champions.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Si MATUMBAMAN daw ang best player sa TI11 sabi ni iNSaNiA