Ilang puso ang binasag ng Team Aster dahil sa kanilang husay na ipinapakita sa The International 11.
Isa na namang pangalan ang nabura sa listahan ng kanilang mga kaagaw sa Aegis, at isa ito sa mga teams na sinusuportahan ng marami upang manalo sa buong tournament. Nilaglag ng mahusay na Aster ang PSG.LGD mula sa tournament matapos ang isang malinaw na 2-0 series sa lower bracket.
Sigurado na ang top-four placement ng Team Aster sa TI11, at lalabanan nila ang Team Liquid sa susunod na weekend sa Singapore Indoor Stadium. Ang PSG.LGD, na nagkaroon ng kanilang pinakamababang pwesto noong TI6 kung saan nagtapos sila sa ikasiyam, ay magtatapos sa kanilang TI11 campaign sa ikalimang pwesto.
Bago ang pagtatagpong ito sa TI11, lamang ang LGD sa kanilang 4-3 series laban sa Aster sa kahabaan ng season, ayon sa Dotabuff – at sa kanilang pinakamahalagang laban, tinabla ng Aster ang score.
Team Aster tinapos ang pangarap ng PSG.LGD na makamit ang Aegis of Champions
Isang pambihirang carry ang ginamit ng LGD sa game one, kung saan pumili sila ng Riki para kay Wang “Ame” Chunyu. Nakadisenyo ang pick na ito upang pangontra sa Drow Ranger at Lina cores ng Aster, ngunit wala itong ginawa sa simula kundi magbabad sa farm habang ang kanyang team ay naglilibot upang patayin ang mga malalambot na cores ng Aster.
Ngunit isa itong patunay ng tapang at husay sa team fight ng Aster na nakipagsabayan sa LGD sa kabila ng pagiging dehado.
Ang Drow ni Du “Monet” Peng at Lina ni Zeng “Ori” Jiaoyang ang naging responsible sa pagpataw ng mabibigat na ranged damage. Ngunit ang supporting cast ng Aster ang naging promotor ng lahat nang team fights, mula sa Pangolier ni Lin “Xxs” Jing na susundan naman ng maasahang stun follow-up mula sa Mirana ni Ye “BoBoKa” Zhibiao.
Ang combo na ito ang nakahuli sa hard carry ng LGD na nag-iisa sa jungle at wala nang nagawa pa.
At dahil wala na ang Riki, kasado na ang comeback. Mabilis na inisa-isa ng ranged artillery ng Aster ang mga building, walang ibang nagawa ang LGD kundi magbato ng mga spells na walang pakundangan sa kanilang mga kalaban habang unti-unting nadudurog ang kanilang Radiant base.
Mas naging one-sided pa sa para sa Aster ang game two. Lamang ang Chinese squad mula simula hanggang katapusan, kung saan ang tanging nagbabanta lang sa kanila ay ang Terrorblade ni Ame.
Napakahusay ng nagawa ng Aster sa game two, kung saan ipinakita nila kung paano nila protektahan ang kanilang dalawang cores. Dahil nasa backline ang mga main damage dealers na Gyrocopter ni Monet at Lina ni Ori, desperado ang LGD na makaabot sa mga ito. Walang mintis ang Aster sa pagsira ng posisyon ng LGD, na pinwersa nilang mag-overcommit upang makakuha ng mga mahahalagang kills.
Nagpatong-patong ang lamang ng Aster. Tanging si Ame lang ang nakapag-farm nang maayos sa panig ng LGD, habang ang tatlong core ng Aster ay nangunguna na sa net worth chart.
Naging malinaw ang agwat ng dalawang teams nang mahuli ng LGD si Monet na wala sa posisyon gamit ang isang magandang skill combo, gamit ang Tidal Wave ni Kunkka ay tinulak nila ang Gyrocopter at support Sven papunta sa nakaabang na Enigma – isang sitwasyon na binaligtad lang ng Mars at Luna gamit ang sunod-sunod na chain stuns at mabibigat na damage.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.