Hindi pa nalalaro ni Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen ang kanyang huling professional Dota 2 game dahil sinipa ng Team Liquid ang Entity, 2-1, upang makausad sa lower bracket quarterfinals ng The International 11 (TI11).

Pero ipinaliwanag ng 27-year-old Finnish carry na papalapit na ang kanyang huling laro matapos muling kumpirmahin ang kanyang plano na magretiro sa pagtatapos ng TI11 sa kanyang post-game interview kassama si Kaci Aitchison.


Ibinahagi ni MATUMBAMAN ang kanyang saloobin sa pagreretiro pagkatapos ng TI11

MATUMBAMAN ng Team Liquid sa TI11playoffs
Credit: Valve

Itinuturing ng TI7 champion ang kanyang TI11 run bilang “win-win situation” matapos ang napakahirap na Dota Pro Circuit (DPC) 2022 season para sa Team Liquid. Nagtapos sila sa 9th-12th place sa parehong Stockholm at Arlington Major.

“I get to play my last TI. It was even a struggle to get here. I’m not even sure we’re supposed to be here. So, I’m just happy I get to play the games,” wika ni MATUMBAMAN.

Nakuha ng Liquid ang huling slot sa TI11 dala ng kanilang runner-up finish sa Last Chance Qualifier. Bagamat hindi niya alam kung ano ang magiging huling laro niya, sinabi ni MATUMBAMAN na panatag siya sa Singapore.

“After this, no matter what happens, I’m just going to be happy and enjoy my retirement days,” dagdag pa niya.



Ipinaliwanag pa ni Team Liquid coach William “Blitz” Lee na bago ang kanilang decider laban sa Entity, wala umanong nararamdaman na pressure si MATUMBAMAN at inasar pa nga ang kanilang kapitan na si Aydin “iNSaNiA” Sarkohi — ang manlalaro na nag-misclick ng Gyrocopter noong TI9 para sa Alliance.

“Matu thinks its really funny to troll iNSaNiA by leaving [the draft timer] as low as it possibly gets,” saad ni Blitz. “I’m being serious. We do it all the time in this tournament. We knew we were going to pick Ember for 45 seconds. We just think it’s funny.”



Anuman ang mangyari, nakaimprenta na ang pangalan ni MATUMBAMAN sa kasaysayan ng Dota 2.

Para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.