Malubha ang naging epekto ng nagdaang DPC season kay Daryl “iceiceice” Koh, na kamakailan ay inanunsyo sa kanyang stream na pinaplano niyang magpahinga muna mula sa pagko-compete.

Ang Singaporean player ay itinuturing na isa sa mga top performers sa competitive Dota 2 scene na nakapaglaro sa lahat nang The International maliban sa TI7 at TI11.

Ayon kay iceiceice, ang kanyang kagustuhang magpahinga ay dulot ng pagkakamaling nagawa ng kanyang dating team, ang Team SMG. Nabigo ang Southeast Asian organization na i-register ang kanilang roster para sa TI11 SEA qualifiers, kung kaya’t hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-qualify para sa The International 2022.

Iceiceice pahinga muna sa Dota 2 scene

Team SMG AH Fu Moon iceiceice poloson midone
Credit: Team SMG

Ang DPC 2022 season na yata ang pinakamatumal na run na nagawa ni iceiceice sa kanyang 12 taong career sa Dota 2.

Matapos pumwesto sa 9th-12th place sa TI10 kasama ang Evil Geniuses, ang 32-anyos ay kinuha ng Team Secret, isa sa mga nangungunang teams sa Western Europe region. Ngunit hindi naging madali para sa Secret ang tatlong tours ng DPC 2022 season, kung saan nagtapos sila sa ikalimang pwesto at hindi nakapag-qualify sa mga Dota  2 Major tournaments.

Kinalaunan ay pinalitan ang Singaporean star ni Roman “Resolut1on” Fomynok, ang stand-in player ng Team Secret para sa Riyadh Masters. Sa kagustuhang makapasok sa TI11 sa pamamagitan ng regional qualifiers, sumanib si iceiceice sa Team SMG kasama ni Wilson “poloson” Koh isang buwan bago maganap ang tournament.

Sa kasamaang palad, hindi nai-register ng Team SMG ang kanilang mga bagong players bago ang cut-off time ng roster registration. Pagkatapos ng TI11, inanunsyo ng Team SMG na tapos na ang kontrata ni iceiceice sa team at binibigyan siya nito ng pagkakataon na sumali sa ibang team.



After what happened in SMG, I’m going to take a break,” sabi niya. “I wanted to take a longer break so I could figure out what I want to do.”

Mukhang mas gusto ni iceiceice na sumubok ng ibang bagay sa halip na maghanap ng bagong team ngayong DPC offseason.

“Maybe I’ll just stream Dota, play other games, or chill and enjoy life,” he said. “Because what happened with SMG was shitty.”



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.