Idineklara ni Lina the Slayer na ang kanyang New Year’s Resolution ay maging mas mainit pa — at ‘di nagtagal ay marami na ang nakapansin sa kanya.

Si Lina ang pinakamainit na hero ngayon sa Dota 2. Sa lahat ng anim na rehiyon sa Dota Pro Circuit, siya ang pinaka-contested (picked at banned) sa lima — Southeast Asia,Western Europe, China, North America at South America — at may hight 90% na contest rate.

Sa China, NA at SA ay nasa 100% pa nga ito. Tanging sa Eastern Europe lang siya nasa labas ng top spot, kung saan siya ay pangatlo sa likod nila Rubick at Broodmother sa oras ng pagkakasulat.

Bagamat palipat-lipat siya sa pagiging mid o support sa mga nakalipas na taon, mayroon siyang panibagong role ngayon — position 1, at posibleng siya ang hardest carry sa kabuuan ng Dota 2 ngayong patch 7.32d.


Si Lina ang kasalukuyang pinakamalakas na carry sa Dota 2

Lina sa Dota 2
Credit: Valve

Ang pinakabagong patch note kay Lina ay isang nerf. Sa 7.32c, nakatanggap siya ng reduction sa kanyang base armor at binawasan din ang level 10 attack damage talent niya. Pero wala itong nagawa para mapalamig siya.

Maaaring siya ang defining hero ng 7.32d, ngunit mahirap tukuyin kung saan at kailan eksaktong naging ganito. Hindi siya nakatanggang ng malalaking buffs sa kanyang sarili o sa kanyang core items at tila nagkaroon na lamang ng mga dahilan para siya ang bumida sa bagong meta.

Katulad ng palaging nangyayari, ‘di agad-agad bago natanto ng mga tao kung gaano siya kalakas sa pagbuhat ng laro. Isa si Alik “V-Tune” Vorobey ng Natus Vincere na naglabas ng Lina sa noo’y unconventional safe lane sa The International 11 Last Chance Qualifier. Bagamat natalo sila sa laro, nagsilbi pa rin siyang kinang sa napakabrutal na laro para sa kanyang koponan.



Sikat na ang ranged carries noon pang kasagsagan ng TI11. Madalas gamitin sa torneo sina Shadow Fiend at Sniper sa safe lane. Isipin niyo na lang na si Lina ay ekstensiyon ng nasabing ideya — isang kill threat sa lane, konting items lang ang kailangan para sa farming spree, at isang halimaw sa late game na kayang makipagsabayan sa kahit sino.

Nakatulong din ang malaking stat-stick talents na nagbibigay sa kanya ng 20 damage, 350 health, at mas magandang scaling sa kanyang Fiery Soul passive. Pinapalaki nito ang kanyang bentahe sa parehong items at levels.


Mas efficient din ang kanyang Fiery Soul ngayon

Lina sa Dota 2
Credit: Valve

Hindi na gaanong mana-intensive ang pagpapanatili ng Fiery Soul stacks ngayon kumpara sa mga nakaraang patch. Sa halip na mag-cast ng spell kada 7 segundo — kahit sa lupa gamitin — ngayon ay kailangan mo nalang mag-hit ng mga target nang may maluwag na timing window na 18 segundo.

Dala nito, mana-wise ay ayos na ang Falcon Blade lang sa kanya sabay build ng Maelstrom. Isa na siyang farming beast tangan ang dalawang items na ‘to. Kaya niyang i-farm ang lane at neutral creeps kada minuto dahil sa mabilis na attack at moving speed dulot ng Fiery Soul.

Kung tatangkain naman ng kalabang offlaner na tumapak sa kanyang teritoryo, mayroon siyang sapat na burst damage para agad na parusahan ang kalaban gamit ang mataas na magic damage mula sa kanyang Light Strike Array at Laguna Blade combo.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.