Matapos ang mahaba-habang pagtitiis, inilatag na rin sa wakas ng Valve—nang tama sa inanunsyong oras—ang pinakahihintay na update ng Dota 2.
Binago ng Dota 2 patch 7.33 – ang New Frontiers update – ang halos lahat ng nalalaman mo tungkol sa pinakamamahal na MOBA. Sa unang pagkakataon sa buhay ng laro, pinalaki ang mapa sa 40-porsyento ng natural nitong sikat.
Ito ay kasama sa mas malalaking pagbabago na tiyak ay mag-iintroduce ng malalaking pagbabago sa kinabukasan ng laro at competitive meta nito.
Groundbreaking ang Dota 2 patch 7.33 na New Frontiers, kasama ang isang bagong mapa.
Ano ang bago sa Dota 2 patch 7.33? Marami. Maliban sa mapa, mayroong isang bagong uri ng attribute para sa mga hero na tinatawag na Universal, isang rework sa staple item na Black King Bar, neutral item redemption tokens, lumalakas na neutral creeps habang tumatagal ang laro, at isang blanket reduction ng stun durations sa buong laro.
At siyempre, may mga pagbabago sa mga hero na kailangan ng ilang oras para mabasa ang lahat at ilang buwan para mapag-aralan.
Ang lumawak na mapa ay may dalawang Roshan pits sa magkabilang dulo ng mapa. Marami ring bagong buildings. Ang Twin Gates, na nagbibigay-daan sa iyo na mag-teleport sa dalawang dulo ng mapa matapos ang maikling channel time. Ang Lotus Pools, na nagbibigay ng healing fruit. Ang Watchers, na gumagana na parang permanent observer wards na kailangan mong i-activate.
Ang Defender’s Gates—mga force field na nagbibigay-daan sa iyo na nakapagtago sa loob at labas ng base, gaya ng sa Heroes of the Storm. Mayroong dalawang bagong runes, kabilang ang Wisdom Runes, isang counterpart ng Bounty Runes na nagbibigay naman ng experience, at Shield Runes, isang Power Rune na nagbibigay ng shield.
Walang pihit ang Dota 2 patch hype train, na lumalabas mismo sa gitna ng DeamLeague Season 19. Kaabang-abang din ang paparating na ESL One Berlin Major na nagsisimula sa ika-26 ng Abril.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Kailan lang, gumawa ng kasaysayan si Ephey bilang ang unang babaeng nakapaglaro sa The International