Nalalapit na ang inaabangang The International 11 Southeast Asia Qualifier (TI11 SEA Qualifier). Ang top 15 teams mula sa rehiyon ay magbababakbakan para sa mga natitirang slots sa Dota 2 world championship ngayong taon.
Ang magwawagi sa torneo ay didiretso sa group stage ng TI11 at sasamahan ang 12 teams naka-qualify gamit ang kanilang DPC points, Samantala, ang koponan naman na magtatapos sa 2nd at 3rd place ay magpapatuloy sa Last Chance Qualifier.
Siguradong lahat ng mata ay tututok sa T1 matapos nilang kuhanin ang back-to-back TI champions na sina Anathan “ana” Pham at Topias “Topson” Taavitsainen. Kasama rin sa torneo sina Nuengnara “23savage” Teeramahanon at Talon Esports, RSG, Polaris Esports, Execration at iba pa.
Sasamahan ng mananalo sa TI11 SEA Qualifier ang BOOM Esports at Fnatic bilang mga kinatawan ng rehiyon sa TI11 na gaganapin sa Singapore.
Ano ang TI11 SEA Qualifier?
Kukuhanin sa TI11 SEA Qualifier ang isa pang siguradong kinatawan ng rehiyon sa Dota 2 world championship na inoorganisa ng Valve.
Pasok dito ang mga koponan na sumabak sa DPC SEA Tour 3 na hindi nakapag-qualify sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points. Naka-seed ang mga koponan base sa nalikom nilang DPC points kasunod ang standing nila sa huling tour ng regional league.
Tanging Team SMG ang ‘di nakasali sa qualifier dahil pumalya ang organisasyon na i-register ang kanilang mga manlalaro, kabilang si Daryl “iceiceice” Koh Pei Xiang, sa tamang oras.
Schedule at mga resulta sa TI11 SEA Qualifier
Tatakbo ang torneo sa loob ng apat na maaaksyong araw mula ika-13 hanggang ika-17 ng Setyembre.
Ang top-seeded teams na Talon Esports, Lilgun, Nigma Galaxy SEA, Polaris Esports, RSG, Neon Esports, Execration at T1 ay magsisimula sa upper bracket finals. Sa kabilang banda, ang Army Geniuses, XERXIA, TNC Predator, Atlantis at Summit Gaming ay nasa lower bracket agad.
September 13
Lower bracket round 1
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
XERXIA Esports | 1 — 0 | TNC Predator |
Upper bracket quarterfinal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Talon Esports | 2 — 0 | Lilgun |
Nigma Galaxy SEA | 0 — 2 | Polaris Esports |
RSG | 2 — 0 | Neon Esports |
Execration | 0 — 2 | T1 |
September 14
Lower bracket round 2
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Army Geniuses | 2 — 1 | Lilgun |
XERXIA Esports | 2 — 1 | Nigma Galaxy SEA |
Neon Esports | 2 — 1 | Atlantis |
Execration | 2 — 0 | Summit Gaming |
September 15
Upper bracket semifinals
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Talon Esports | 2 — 0 | Polaris Esports |
RSG | 0 — 2 | T1 |
Lower bracket round 3
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Army Geniuses | 1 — 2 | XERXIA Esports |
Neon Esports | 2 — 1 | Execration |
September 16
Lower bracket quarterfinal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
RSG | 2 — 1 | XERXIA Esports |
Polaris Esports | 2 — 0 | Neon Esports |
Upper bracket final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Talon Esports | 2 — 0 | T1 |
Lower bracket semifinal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
RSG | 0 — 2 | Polaris Esports |
September 17
Lower bracket final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
T1 | 1 — 2 | Polaris Esports |
Grand final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Talon Esports | 2 — 2 | Polaris Esports |
Mga koponang kasali sa TI11 SEA Qualifier
KOPONAN | DPC STANDING |
Talon Esports | Nakalikom ng 300 DPC points |
T1 | Nakalikom ng 272 DPC points |
RSG | Nakalikom ng 100 DPC points |
Polaris Esports | Nakalikom ng 57 DPC points |
Nigma Galaxy SEA | Nakalikom ng 28 DPC points |
Neon Esports | Nakalikom ng 5 DPC points |
Execration | 1st sa DPC SEA Division II |
Lilgun | 2nd sa DPC SEA Division II |
Army Geniuses | 3rd sa DPC SEA Division II |
Summit Gaming | 4th sa DPC SEA Division II |
Atlantis | 5th sa DPC SEA Division II |
XERXIA Esports | 6th sa DPC SEA Division II |
TNC Predator | 7th sa DPC SEA Division II |
Format ng TI11 SEA Qualifier
Ang mga koponan ay maglalaban sa ilalim ng isang double-elimination bracket.
Lahat ng mga laban ay best-of-three, maliban sa do-or-die lower bracket round 1 match sa pagitan ng XERXIA Esports at TNC Predator, at grand final na isang best-of-five series.
Saan mapapanood ang TI11 SEA Qualifier
Mapapnood ang opisyal na English broadcast sa mga channel ng PGL habang ang opisyal na Filipino broadcast ay ihahatid ng LuponWXC.
CHANNEL | PLATFORM |
PGL | Twitch |
PGL | YouTube |
PGL | |
LuponWXC (KuyaNic) | Twitch |
LuponWXC (KuyaNic) | YouTube |
LuponWXC (KuyaNic) |
Para sa Dota 2 news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.