Sinindihan ni carry Remco “Crystallis” Arets ang malakas na panimula ng Team Secret sa The International 11 (TI11) Last Chance Qualifier.
Matapos walisin ang Tempest at tumabla sa Vici Gaming, naglalagablab ang Western European squad sa Game 1 ng kanilang serye kontra sa North American team na nouns.
Dito ay walang awang pinagpapalo ni Crystallis ang mga kalaban gamit ang kanyang Slardar. Nagsilbing isa sa pinakamalupit na highlight ng araw ang kanyang matapang na pag-gank sa apat na kalabang heroes.
Tinalunan ni Crystallis ang apat na kalaban at binura ang dalawang support
Binalugbog ng Team Secret ang nouns sa unang laban ng kanilang serye. Dinomina ng koponan ni Clement “Puppey” Ivanov ang laning stage kung saan kinontrol ni Michał “Nisha” Jankowski (Morphling) ang mid lane habang naghari naman si Crystallis (Slardar) sa top lane.
Matapos kuhanin kumpletong kontrol sa mapa at basagin ang mid barracks, napagpasyahan ng Secret na mag-smoke gank at agad na tapusin ang laro. Nasipat nila ang kalabang Drow Ranger sa labas ng Dire base at agad itong pinaslang kaya nagkalat-kalat ang ibang mga miyembro ng nouns.
Nanatili muna sila sa bottom lane dahil pinutol ng Secret ang daan nila pauwi. Sinubukan ni Roman “Resolut1on” Fomynok (Beastmaster) na i-scout ang lokasyon ng kalaban ngunit agad siyang tinalunan ng mga ito at pinatumba.
Nang makitang nagtipon ang mga kalaban sa Dire Secret Shop, sinunggaban ni Crystallis ang pagkakataon at agad na nag-blink in. Naitama ng 20-year-old Dutch carry ang 4-man stun gamit ang Slithereen Crush at kahit pa may Tombstone ni Undying, mabilis niya napuksa ang dalawang support ng nouns sa pamamagitan lang ng limang hampas.
Pagkatapos ng malupit na one-man gank, nagmartsa na padiretso sa Dire base ang Secret at ipinukol ang panalo sa loob ng 39 minuto. Halos perpektong laro ang ipinamalas ni Crystallis sa Slardar matapos kumana ng 13/1/9 KDA habang si Nisha naman ay tumikada ng 13 kills kontra 0 deaths.
Nakabawi naman ang nouns sa Game 2 at naitbla ang serye laban sa Secret. Pero hindi nito nabura ang malupit na laro ni Crystallis gamit ang Slithereen Guard sa unang araw ng TI11 LCQ.
Para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Mula ito sa orihinal na katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.