Laglag na ang huling pag-asa ng Southeast Asia sa The International 11 (TI11) Last Chance Qualifier na T1 matapos ang masalimuot na kampanya sa ikalawang araw ng playoffs. Nauna nang namaalam ang isa pang pambato ng SEA na Polaris Esports noong Lunes.

Samantala, apat na koponan na lang ang natitira sa TI11 LCQ — ang Team Secret, Virtus.pro, Team Liquid at Vici Gaming. Magsasalpukan ang Secret at VP sa upper bracket final at nangangahulugan ito na ang parehong koponan ay may dalawang tsansa na makapasok sa Main Event ng Dota 2 world championship ngayong taon.

Magsasalpukan naman ang Liquid at VG sa lower bracket, at ang mananalo ay aabante sa serye kung saan nakataya ang huling slot sa TI11.


Mga resulta sa TI11 LCQ Playoffs Day 2

Upper bracket semifinals

Stream A

KOPONANRESULTAKOPONAN
T10 – 2Team Secret

Stream B

KOPONANRESULTAKOPONAN
Virtus.pro– 1Team Liquid

Lower bracket round 2

Stream A

KOPONANRESULTAKOPONAN
Natus Vincere1 – 2Xtreme Gaming

Stream B

KOPONANRESULTAKOPONAN
Vici Gaming2 – 0Wildcard Gaming

Lower bracket quarterfinals

Stream A

KOPONANRESULTAKOPONAN
Team Liquid– 0Xtreme Gaming

Stream B

KOPONANRESULTAKOPONAN
T11 – 2Vici Gaming

Team Secret, Virtus.pro may dalawang tsansa para magkwalipika sa TI11

Credit: Valve

Matapos dumaan sa marahil pinakamalalang season sa dominanteng kasaysayan ng organisasyon, tila natuklasan na ng Team Secret ang kanilang porma sa pinto mismo ng kamatayan.

Pumapag-asa pa rin ang Western European team na panatilihing buhay ang TI attendance streak ng kanilang maaalaman na kapitan na si Clement “Puppey” Ivanov. Dalawang zoo strats na umikot sa Lycan at Chen sa Game 1 habang Beastmaster at Enchantress naman sa Game 2 ang dumurog sa T1 upang maselyo nila ang upper bracket finals spot.



Sa kabilang banda, nahirapan naman ang pambato ng Eastern Europe na Virtus.pro laban sa isa ring kinatawan ng Western Europe na Team Liquid, na kinuha ang 58-minute comeback win sa Game 1.

Mabuti na lang at nasa top form ang si veteran carry Roman “RAMZES666” Kushnarev ngayong araw at tinulungan ang VP gamit ang iba’t-ibang heroes na Morphling, Nature’s Prophet at Luna. Kumana siya ng sumatotal na 29/8/30 kill/death/assist sa serye.

Credit: Virtus.pro

Bagamat natalo, agad namang bumawi sina TI7 winner Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen at Liquid sa pamamagitan ng mabilis na pagwalis sa Xtreme Gaming ng China.


Pinauwi ng Vici Gaming ang huling pag-asa ng North America na Wildcard Gaming at ng Southeast Asia na T1

Credit: Starladder Chongqing Major Flickr

Papasok sa TI11 LCQ, iilan lang ang naglagay sa Vici Gaming sa taas ng kanilang listahan ng mga koponan na posibleng pumasok sa Main Event. Pero sa kabila ng maagang pagkatalo sa Virtus.pro sa upper bracket, sinagasaan ng Chinese team ang Infamous, Wildcard Gaming at T1 sa lower bracket.

Pinatunayan ng VG ang kanilang tibay sa Game 2 kontra T1. Nakaharap na sa kanilang posibleng pagkalaglag, binura nila Pan “Frisk” Yi at kanyang mga kakampi ang halos 27K gold lead nila Topias “Topson” Taavitsainen at T1 upang puwersahin ang do-or-die Game 3. Pinagpatuloy ng Vici ang momentum at tuluyang pinatalsik ang T1 na kinabibilangan din nila Anathan “ana” Pham at Carlo “Kuku” Palad.



Isang malaking hamon kontra Team Liquid naman ang susunod para sa VG. Hindi pa naghaharap ang dalawang koponan sa LCQ. Isa lang sa kanila ang uusad para harapin ang matatalo sa pagitan ng Secret at VP para sa huling upuan sa TI11 Main Event.

Ang huling tatlong serye ng TI11 LCQ ay ipapalabas sa main Twitch channel ng PGL. Available din ang broadcast sa kanilang YouTube channel.

Ang opisyal na Filipino broadcast naman ay ihahatid ng LuponWXC sa kanilang Facebook, YouTube at Twitch channel. Para sa esports news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.


BASAHIN: ‘Di mapipigilan ng retirement si Ceb para matulungan ang OG sa TI11