Nagpakitang-gilas si Team Spirit midlaner Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek gamit ang Pangolier sa kanilang serye laban sa Thunder Awaken sa ikalawang araw ng The International (TI11) group stage.

Sa isang laro kung saan nadehado sila nang 4-17 sa kill score at halos 7K gold, hindi nagpatinag si TORONTOTOKYO at pinangunahan ang comeback ng kasalukuyang TI champs sa Game 2 upang maitabla nila ang serye.


Tinulungan ni TORONTOTOKYO ang Team Spirit na makapuwersa ng tabla kontra Thunder Awaken

Team Spirit midlaner TORONTOTOKYO sa TI10
Credit: Valve

Bitbit ng Thunder Awaken ang momentum sa laban matapos dominahin ng South American team ang Game 1, salamat sa makulit na Nyx Assassin ni captain-support Farith “Matthew” Puente.

Sa Game 2, hind rin gaanong maganda ang panimula ng Team Spirit. Dehado ang Eastern European squad mula simula at nakakakuha lang ng kills dahil sa pag-aasim ng Thunder Awaken. Pero nag-umpisang bumaligtad ang sitwasyon nang mahuli nila ang kalabang Tidehunter sa sariling jungle.

Napakalaki ng epekto ng Pangolier ni TORONTOTOKYO, na tumikada ng 14/2/12 KDA. Sinindihan ng 25-year-old midlaner ang pag-arangkada ng Spirit sa mga clash kung saan ang walang humpay niyang Rolling Thunder at Swashbuckle ay ‘di kinaya ng mga kalaban.



Nakabalik sa laro ang Spirit at patuloy na ginambala ni TORONTOTOKYO ang Thunder Awaken sa mga skirmish. Nauuna siyang tumatalon at tiwalang mabilis na reresponde ang kanyang mga kakampi.

Sa bandang 33-minute mark, inagaw niya ang atensyon ng Thunder Awaken kaya naman nakapagbitaw ng 3-man Black Hole si Magomed “Collapse” Khalilov (Enigma). Mula dito ay itinala ni TORONTOTOKYO ang double rampage. Limang minuto lang ang nakalipas matapos nito ay tumawag na ng GG ang SA team.



Nailista ng Team Spirit ang 1-1 draw at napanatili ang kanilang magandang puwesto sa Group B. Magpapatuloy ang kanilang kampanya sa TI 11 group stage hanggang sa ika-18 ng Oktubre.

Para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.