Ang Evil Geniuses na kinabibilangan ni Pinoy star midlaner Abed “Abed” Yusop ang unang koponang nakapasok sa The International 11 (TI11) Main Event.
Sa ikatlong araw ng TI11 Group Stage, sinelyo ng North American squad ang upper bracket playoff spot matapos ipako ang kanilang ika-12 na panalo sa pamamagitan ng 2-0 demolisyon kontra Gaimin Gladiators.
Sa ngayon, hawak ng Evil Geniuses ang top spot sa Group A na may 12-2 kartada.
Siniguro ng Evil Geniuses ang upper bracket spot sa TI11 playoffs
Matapos ang nakakadismayang kampanya sa dalawang nagdaang Dota 2 Majo ng Dota Pro Circuit (DPC) 2022 season, nagbalik ang EG sa pagiging isang international powerhouse.
Kumuha ng panalo ang NA team kontra PSG.LGD, OG, Hokori, BetBoom Team at BOOM Esports. Ang tanging koponan na hindi nila napadapa ay ang TI11 Last Chance Qualifier runner-up na Team Liquid.
Sa pagbabalik ni Tal “Fly” Aizik bilang kapitan, malaki ang pinagbago ng draft at overall gameplay execution ng Evil Geniuses. Sa kasalukuyan, ang koponan ay hindi natatalo kapag pumi-pick sila ng flexible heroes tulad ng Primal Beast at Shadow Fiend.
Lumilitaw din bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro sa TI11 sa ngayon si Egor “Nightfall” Grigorenko. Hawak ng 20-year-old offlaner ang best KDA record na 16.42, ayon sa DotaBuff.
Dalawang group stage matches na lang ang lalaruin ng Evil Geniuses. Hinaharap nila sa ngayon ang Royal Never Give Up para sa kanilang huling serye sa Day 3 at kakalabanin naman ang BOOM Esports sa huling araw ng group stage.
Para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: TORONTOTOKYO kumana ng double rampage gamit ang Pangolier sa TI11 group stage